MANILA, Philippines — Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterten na pukulin ng ilang kritismo ang United Nations habang nagsasalita sa kanilang asembilya, ito habang hinihiling ang mga pagbabago sa naturang asosasyon ng mga bansa.
"[W]e face multiple crises that demand effective global governance. Yet, our institutions, including the United Nations, have proven to be inadequate," wika ni Digong sa ika-76 sesyon ng UN General Assembly ngayong Miyerkules ng umaga (oras sa Pilipinas).
Related Stories
"The UN is a product of an era long past. It no longer reflects the political and economic realities of today."
Pagdidiin ng presidente, lagi't laging inuusal ang mga salitang "demokrasya" at "transparency" sa loob ng apat na sulok ng UN, gayunpaman, kabalintunaan daw na nilalabag ng Security Council nito ang mga naturang konsepto.
Ang UN Security Council ay may responsibilidad na imintena ang "international peace and security," at siyang binubuo ng 15 miyembro. Inaasahang susunod ang lahat ng UN member states sa mga mapagdedesisyunan ng Konseho pagdating sa mga "banta sa kapayapaan" o mga "agresyon." Pwede itong magpataw ng parusa o gumamit ng pwersa para panatilihin o pabalikin ang seguridad.
"It is neither democratic nor transparent in its representation and processes. Many member states have spoken firmly and we agree: This simply is not right," dagdag pa ng kontrobersyal na pangulo.
"If the UN is to lead the world out of the many crises we face, things need to change. The UN must empower itself, by reforming itself. Therein lies the hope for humanity."
UN vs Philippine human rights situation
Ilang beses nang nakakabangga ni Duterte ang UN, lalo na ang Human Rights Council nito. Una nang sinabi ni Digong na nais niyang kumalas sa UNHRC matapos nitong i-adopt ang isang Iceland-initiated resolution na humihiling sa review ng madugong "war on drugs" ni Digong.
Dati na ring nagbanta si Duterte na lilisanin ng Pilipinas ang UN dahil sa "pangingialam" ng world body sa kampanya kontra iligal na droga na kumitil na sa buhay ng libu-libo, kasama an ilang inosente. Gayunpaman, nagbibiro lang daw siya nang sabihing aalis ang bansa sa samahan.
"I have instructed the Department of Justice and the Philippine National Police to review the conduct of our campaign against illegal drugs," dagdag pa ni Digong sa kanyang talumpati kanina.
"Those found to have acted beyond bounds during operations shall be made accountable before our laws."
Sinasabi niya ito ngayong inaprubahan na ng International Criminal Court ang "full investigation" sa war on drugs ng at human rights situation ng bansa, bagay na posibleng kumakatawan na raw sa "crimes against humanity."
Kilala si Duterte sa pagbanat sa mga human rights groups at advocates na kritiko ng kanyang polisiya, kabilang na riyan ang mga nasa oposisyon at Kaliwa.