MANILA, Philippines — Inaasahang opisyal nang magdedeklara nga-yong araw (Miyerkules) si Manila City Mayor Isko Moreno ng kaniyang kandidatura sa pagtakbong presidente sa 2022 election sa ilalim ng kaniyang partidong Aksyon Demokratiko.
Magiging running-mate ni Yorme ang bantog na doktor na si Dr. William Tan Ong o mas kilala bilang Doc Willie Ong bilang bise-presidente.
Ito ay makaraan ang pananahimik ni Moreno sa kaniyang mga plano at mga unang pahayag na tututukan muna ang pangangailangan ng mga taga-Maynila ngayong pandemya.
Kasunod ito ng pagkakahalal niya bilang presidente ng Aksyon Demokratiko at paglipat nitong nakaraang Martes ng ilang politiko sa kaniyang partido.
Noong Lunes ay inamin din ni Mayor Isko na nakipagpulong din siya kina Vice President Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao para sa pag-iisa ng oposisyon ngunit wala pa umanong pinal na desisyon na naaabot.
Inendorso na rin ng mga grupo ng mga negosyante sa Maynila at grupo ng mga abogado si Moreno na tumakbo sa darating na halalan.
Si Doc Willie naman ay kilala sa kanyang walang humpay na pagtulong lalo na sa mahihirap at walang masuli-ngan kapag nagkakaro-on ng karamdaman.