Marcoses 'pinakamayaman sa Pilipinas' kung kasama ill-gotten wealth — think tank
MANILA, Philippines — Kadalasang iugnay ang pamilyang "Sy" sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas — pero iba ang lumalabas kapag isinama na mga nakaw na yaman ng pamilya ng isang dating diktador.
Ito ang itinataya ng IBON Foundation sa inilabas nilang simulation sa 2021 equivalent ng yaman ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na sinasabing tumangay sa US$5-10 bilyon.
Ibinatay nila ang pagkukumpara sa iba pang pinakamayayamang Pilipino gamit ang "Forbes List on Philippines' 50 Richest."
"Forbes data on the wealthiest Filipinos relies on open and legal records and reports. This isn't able to count the Marcoses' plundered wealth hidden in the country and abroad," wika ng IBON ngayong Martes.
"[E]stimates of which range from US$5-10 billion to as much as US$15 billion or more when the dictator was overthrown in 1986."
Aniya, kahit na US$5 billion lang ang nasa kanila noong 1986, lumobo na ito sa hindi bababa sa US$38.4 bilyon ngayong 2021.
Katumbas na 'yan ng P1.87 trilyon sa kasalukuyang exchange rates, kung saan isinang-alang-alang na rin ang interes sa mga deposito, kita mula sa mga investments at appreciation sa halaga ng real properties at assets.
BASAHIN: Money trail: The Marcos billions
Mas mataas pa raw 'yan sa P798.9 bilyong yaman ng pumanaw na negosyanteng si Henry Sy Sr., na siyang naghati ng kanyang wealth sa mga tagapagmana.
Ang mga magkakapatid na Sy (Teresita, Elizabeth, Henry Jr., Hans, Herbert at Harley) ang numero uno sa 2021 Philippines 50 richest net worth ng Forbes na inilabas ngayong Setyembre.
How have the Marcoses been able to be politically influential even long after being driven out of Malacañang in disgrace in 1986? The failure to recover their stolen loot counts for a lot.
— IBON Foundation (@IBONFoundation) September 21, 2021
Related reads:https://t.co/HdURfbu5IKhttps://t.co/AFotlGKNJ0#NeverAgain #NeverForget pic.twitter.com/ZHbPDKWpkV
"The US$5 billion is conservatively assumed to have grown at 6% annually since 1986," dagdag pa ng economic think tank kanina.
"The P171 billion reportedly recovered by the Presidential Commission on Good Government is seen as negligible compared to the total amount plundered and kept."
Dahil sa laki ng "total national loss" mula Nobyembre 1965 hanggang sa siya'y mapatalsik noong 1986, Guinness World Record-holder si Marcos para sa pagkilalang "greatest robbery of a government."
Sa kabila ng mga ebidensya, matatandaang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte, kilalang kaalyado ng mga Marcos, ang pamilya noong 2019 at sinabing "walang pruwebang" nagkamal ng nakaw na yaman ang pamilya.
Ipinalibing ni Duterte si Marcos sa Libingan ng mga Bayani kinalaunan, bagay na umani ng matinding batikos mula sa mga human rights advocates at mga progresibo.
Taong 2003 lang nang i-award ng Korte Suprema sa gobyerno ang hindi bababa sa $658 milyong Swiss bank deposits na itinago diumano ni Marcos at kanyang misis na si Imelda "sa ilalim ng mga patung-patong na foundation at corporate entities." — James Relativo
- Latest