Pagbakuna sa edad 12-17 aprub na ng DOH

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nasa punto pa lamang ng pag-aayos sa polisiya at panuntunan ang kanilang ginagawa. Tinitignan nila ngayon kung mauumpisahan ito sa darating na Oktubre.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng mga miyembro ng Department of Health-Vaccine Expert Panel ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad 12-17 ngunit wala pang naaabot na desisyon kung kailan mauumpisahan ito.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nasa punto pa lamang ng pag-aayos sa polisiya at panuntunan ang kanilang ginagawa. Tinitignan nila ngayon kung mauumpisahan ito sa darating na Oktubre.

Iminungkahi rin niya na sa oras na maumpisahan na ito, nararapat na unahin ang mga kabataan na may ‘comorbidities’ dahil sa mas mataas ang pa­nganib nila sa virus. Pinag-aaralan pa rin kung may posibleng ‘side effects’ sa mga bata ang bakuna.

Kung babakunahan ang mga bata, kinakailangan pa rin umano ang ‘consent’ o pagpayag ng mga magulang.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang DOH sa DepEd upang mabakunahan ang mga guro at mga ‘non-teaching’ na tauhan sa oras na maumpisahan ang ‘face-to-face classes’ sa mga piling lugar sa bansa.

Nitong Agosto, isa ang Pilipinas sa limang bansa sa mundo na hindi pa binubuksan ang mga paaralan para sa ‘face-to-face classes’.

Show comments