^

Bansa

Kulang sa suplay, ugat ng pagtaas ng presyo ng medical supplies – Duque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang paniwala ng ilang mambabatas sa paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque na kaya mataas ang presyo ng medical supplies ay dahil kulang ang supply noong kasagsagan ng pandemya.

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Duque na hindi na nila mahintay na bumaba ang presyo ng mga face mask, face shields at PPE dahil sa marami ng apektadong medical workers.

Kinatigan ni Quezon Rep. Jayjay Suarez ang sinabi ni Duque na kung saan ito rin ang naranasan ng ibang bansa.

“Following the law of supply and demand, sadyang mataas po talaga ‘yung presyo nung panahong ‘yon kung ikukumpara natin ngayon. We can’t compare the prices now to the prices then because the situation is totally different then,” ani Suarez.

Nagsagawa ang komite ng pagdinig matapos na pumutok ang balitang overpriced na pagbili ng mga medical supplies at sa nakakuhang bidder na kinilalang Pharmally Pharmaceutical Corp.

Kumita diumano ang Pharmally ng P8.7 bilyon gayung ang kapital nito ay nasa P650,000 lang.

Inamin ni Duque na noong unang buwan ng pandemya ay umabot na sa 27 health workers and namamatay kaya napilitan na silang bumili kahit mahal ang presyo.

“We have no luxury of time, we cannot wait until the supply stabilizes, because we wanted immediate protection for our healthcare workers,” anito.

Samantala, tinanong ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang Pharmally kung paano nakapagbenta ng ganung halaga ng medical supplies.

“We used different methods. We had to access other financings para ma-implement ‘yung projects... nag-bid kami, inawardan kami, nag-deliver kami, tsaka kami nabayaran,” tugon ni Pharmally Director Linconn Ong.

Sinabi rin ni dating PS-DBM Director Warren Rex Lliong na hindi overpriced ang PPEs na binili ng gobyerno noong 2020.

JAYJAY SUAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with