MANILA, Philippines — Dapat sumunod ang iba pang mga pulitiko kay Vice President Leni Robredo at sumali sa panawagan niyang pagkakaisa para sa darating na halalan sa 2022.
Una nang sinabi ni Robredo na kumikilos siya para mapalawak ang base ng oposisyon upang mas maging matibay na puwersa bago ang darating na halalan.
Nanawagan din ang volunteer group na may 2,000 miyembro kina Robredo, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at Senador Manny Pacquiao, Grace Poe, Ralph Recto at Nancy Binay at Cong. Vilma Santos-Recto na kumilos para mapag-isa ang oposisyon sa 2022.
Samantala, pinuri ng political analyst na si Richard Heydarian si Robredo sa kanyang kahandaan na suportahan ang iba pang nangungunang kandidato bilang pangulo sa 2022 para masiguro ang kapakanan ng taumbayan.
Sa kanyang parte, sinabi ni law dean Tony La Vina na mas magiging mahirap para kay Robredo na magpasya na hindi siya tatakbo dahil maraming tagasuporta niya ang malulungkot.