MANILA, Philippines — Habang napipintong silipin ng International Criminal Court (ICC) ang human rights situation at extrajudicial killings sa Pilipinas, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ginagawa nito ang lahat para maging bukas at tiyaking may pananagutan sa agresibong kampanya nito laban sa iligal na droga.
Miyerkules nang magbigay ng pahintulot ang ICC na magsagawa ng "full investigation" sa gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos sabihin ng mga hukom na may "reasonable basis" para paniwalaang may crime against humanity at illegitimate attack sa mga sibilyan sa naturang crackdown.
Related Stories
"The Philippine National Police has taken the initiative of directly confronting allegations of human rights abuses and extra-judicial killings in our aggressive campaign against illegal drugs," wika ni PNP chief Police Gen. Guillermo Eleazar, Huwebes.
"Kami man sa PNP ay gustong matapos na ang lahat ng pagdududa at mga alegasyong ito dahil ang buong organisasyon na ang nadadamay dito."
Mayo lang nang patibayin nila ang pakikipag-ugnayan sa Department of Justice para sa pagre-review ng kanilang illegal drug operations, lalo na 'yung mga pinaghihinalaang lumabag sa Police Operational Procedures kaugnay ng pagkamatay at tinamong sugat ng mga suspek.
Hunyo lang nang iulat na nasa 53 case folders na ang ipinasa ng kapulisan sa DOH para sa karagdagang review at posibleng prosecution.
Aniya, patunay daw dito ang patuloy na ugnayan ni Interior Secretary Eduardo Año (na may hawak sa PNP) kay Justice Secretary Menardo Guevara "upang alamin kung mayroong mga kamalian para hindi na maulit pa, at tukuyin kung may mga nagkamali upang mapanagot sa ngalan ng katotohanan at hustisya."
"All our commanders on the ground have already been instructed since then to immediately submit after-operation reports of all illegal drugs-related operations—which are all being verified by our Internal Affairs Service through its motu propio investigation power, particularly on all operations that would result in deaths or injuries," dagdag pa ni Eleazar.
"As what we have been saying and in fact, have repeatedly proven to our kababayan, the Philippine National Police neither condone nor cover up abuses and other forms of wrongdoings in our ranks."
Ayon sa mga datos ng PNP, malaki raw ang naging kontribusyon ng kampanya kontra iligal na droga sa 64% reduction ng crime index sa nakalipas na lumang taon.
Aabot na sa 6,181 ang namamatay sa anti-drug operations ng gobyerno mula July 2016 hanggang July 2021, ayon sa pinakahuling mga numero ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Gayunpaman, nasa 12,000 hanggang 30,000 naman ang itinataya ng ilang human rights groups pagdating sa mga tunay na biktima ng kampanya — ang ilan, wala raw due process.
Nangyayari ang pangakong transparency at accountability ng PNP ngayong sinasabi ng Malacañang na walang maaasahang koordinasyon ang ICC mula sa gobyerno pagdating sa plano nilang maglunsad ng naturang imbestigasyon. — James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna