Alert Level 4 ipatutupad sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Simula sa Setyembre 16 ay isasailalim ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 4 sa ipatutupad na bagong COVID-19 Alert Level System ng pamahalaan.
“NCR is currently at high risk case classification as it maintains a moderate risk two-week growth rate (TWGR) and high risk average daily attack rate (ADAR),” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ipinaliwanag nito na tumaas pa sa 39.09 ang ADAR mula sa 30.44 noong nakaraang linggo habang ang ICU utilization ay naitala sa 77.5% na high-risk din habang malapit na rin sa high-risk ang bed utilization na nasa 69.5%.
Ang Alert Level 4 ang ikalawang pinakamataas na alert level. Nasa ‘high’ at patuloy na tumataas ang transmisyon ng virus habang high rin ang ICU at bed utilization.
Sa Alert Level 1, mababa at patuloy ang pagbaba ng impeksyon at mababa rin ang health care utilization; sa Alert Level 2, mababa pa rin ang impeksyon ngunit ang health care ay mababa pero tumataas; sa Alert Level 3, mataas na ang impeksyon at patuloy na tumataas habang tumataas na rin ang healthcare utilization.
Sa Alert Level 5 naman, dito nakakaalarma na ang hawahan ng virus at kritikal na ang healthcare utilization rate.
Base sa bagong guidelines, sa ilalim ng Alert Level 4, hindi pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan, maliban na lamang kung para sa essential goods at services at pagpasok sa mga industriya at tanggapan na pinahihintulutan, ang mga below 18 years old at 65 years old pataas; may mga immunodeficiencies, comorbidities, at mga buntis.
Ang individual outdoor exercises ay pinapayagan sa lahat ng edad, may comorbidities man o anuman ang kanilang vaccination status.
Maaari ring magdaos ng religious gatherings sa loob ng simbahan sa 10% venue/seating capacity ngunit para lamang sa mga fully-vaccinated.
Ang mga pagtitipon sa necrological services, burol, inurnment, at libing para sa namatay nang hindi dahil sa COVID-19, ay pinapayagan ngunit limitado lamang sa immediate family members.
Pinapayagan din ang barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salons sa 30 percent capacity kung ito ay gagawin outdoor, anuman ang kanilang vaccination status, at 10% kung indoor.
Samantala, ang mga critical areas sa COVID-19 ay isasailalim sa granular lockdowns na tatagal sa loob ng 14-araw.
Maging ang mga frontliners ay hindi na papayagang lumabas ng bahay kung ang kanilang lugar ay naka-lockdown.
Related video:
- Latest