^

Bansa

Pacquiao naghain ng libel, cyberlibel vs Quiboloy; P100-M danyos hinihiling

James Relativo - Philstar.com
Pacquiao naghain ng libel, cyberlibel vs Quiboloy; P100-M danyos hinihiling
Litrato ng religious leader na si Apollo Quiboloy (kaliwa) at Sen. Manny Pacquiao (kanan) ngayong ika-14 ng Setyembre habang naghahain ng cyberlibel at libel case.
Mula sa Facebook page ni Pastor Apollo C. Quiboloy; ONE News

MANILA, Philippines — Inireklamo ng libel at cyberlibel ni "Pambansang Kamao" Manny Pacquiao ang kontrobersiyal na religious leader at SMNI New Channel owner na si Apollo Quiboloy, matapos akusahan kaugnay ng maanomalyang paggastos sa kaban ng bayan.

Nag-ugat ang reklamo sa social media posts at video ni Quiboloy kung saan sinasabing P3.5 bilyon ang inilaan ni Pacquiao para sa pagpapatayo ng  Sarangani Sports Training Center — bagay na hindi pa rin tapos. Dating Sarangani lawmaker si Pacman mula 2010 hanggang 2016.

Pero paliwaag ni Pacquiao, ang P3.5 billion ay inilaan talaga para sa Philippines Sports Training Center sa Bataan, at wala raw siyang kinalaman sa pagpapatayo noon.

"He used this deliberate falsehood (pagbibintang ng katiwalian) to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant," ani Pacquiao, Martes.

"He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another's reputation."

Sa kanyang 13-pahinang reklamo na inihain sa Makati Prosecutor's Office, humihingi ng P100 milyong bayad-pinsala kay Quiboloy ang boxer-turned-senator dahil sa "pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon" gamit ang kanyang kapangyarihan at impluwensya. Maliban dito, dapat din daw niyang saluhin ang kanyang attorney's fees.

Una nang sinabi ni Pacquiao sa panayam ng ANC na taong 1996 pa raw itinayo ang gusaling ipinakikita ni Quiboloy sa social media at videos. Aniya, naroon na ito, bago pa siya pumasok sa larangan ng pulitika. Nasa P300 milyon hanggang P500 milyon lang din daw ang pasilidad na kanyang ipinatayo.

Ang Kingdom of Jesus Christ leader na si Quiboloy ang tumatayong spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang nakakabanggaan ni Pacquiao sa pulitika ngayon kahit magkapartido sa PDP-Laban.

"Sila [Pacquiao] ang tunay na dapat magpaliwanag sa taumbayan [tungkol sa proyekto] kasi ito ay kwarta, pera natin. Pera ng taumbayan," banggit ni Quiboloy sa isang video na ipinaskil sa SMNI news noong Hulyo, isang media network na kanyang pagmamay-ari.

"Sa kanyang sinabi na two or three times, mas korap ang pamamahalang administrasyong Duterte kaysa kay [dating Pangulong Benigno Aquino III]. Isa ito sa dapat niyang pagtuunan ng pansin... ang pag-imbestiga sa kanyang sarili."

Usap-usapang tatakbo si Pacquiao sa pagkapresidente sa 2022 ngunit hindi pa opisyal na nag-aanunsyo, habang tatakbo naman para sa pagka-bise presidente si Duterte.

Nasa magkaibang paksyon ng PDP-Laban sina Pacquiao at Duterte, na may may magkaibang mga susuportahan para sa halalan sa susunod na taon. — may mga ulat mula sa News5 at ONE News

APOLLO QUIBOLOY

CYBERLIBEL

LIBEL

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with