Delta variant cases sa Pilipinas sumirit patungong 2,708 — local experts

Passengers wearing face masks and shields to protect themselves against the Covid-19 coronavirus sit inside a tricycle taxi in Manila on September 7, 2021, a day before the authorities lift a stay-at-home order amid record infections fuelled by the contagious Delta variant
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Daan-daan uli ang naidagag sa bilang ng tinamaan ng mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa pinakabagong tala na inilabas ng lokal na otoridad.

Nasa 640 bagong Delta variant cases kasi ang iniulat ng Department of Health (DOH), UP Philippine Genome Center (UP-PGC) at UP National Institutes of Health (UP-NIH) sa bagong batch ng genome sequencing na inilabas ngayong Lunes.

"The total Delta variant cases are now 2,708," wika ng DOH, PGC at NIH ngayong umaga. Narito ang breakdown ng mga bagong Delta vartiant cases:

  • local cases (584)
  • returning overseas Filipinos (52)
  • bineberipika pa (4)

Pagdating sa mga lokal na kaso, narito ang top regions sa mga bagong nakakitaan ng kinatatakurang variant:

  • National Capital Region (112)
  • Cagayan Valley (52)
  • CALABARZON (49)

"There were two cases whose indicated address was the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao," patuloy pa ng pahayag kanina.

"Based on the case line list, three cases are still active, 13 cases have died, while 624 cases have been tagged as recovered."

Bagama't mas nakahahawa sa karaniwan ang Alpha variant, una nang sinabini Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 60% mas nakahahawa rito ang Delta variant.

Ika-31 lang ng Agosto nang ianunsyo ng World Health Organization (WHO) na Delta variant na ang pinaka-dominanteng COVID-19 variant of concern sa mga bagong transmissions sa Pilipinas.

"As cases with the Delta variant and other variants of concern comprised the largest percentage of cases included for sequencing on this latest run, the DOH strongly reminds everyone to continue its enhanced PDITR + vaccination strategies, ramped up active case finding, contact tracing and testing, and strict adherence to the minimum public health standards across all settings to prevent the transmission of the COVID-19 and its variants," dagdag nila.

Updates sa sitwasyon ng Alpha, Beta at P.3 variants

Nadagdagan din naman ng mga bagong kaso ng Alpha, Beta at P.3 variants sa bagolng labas na resulta ng sequencing ng local experts, kung saan ang dalawang nauna ay mas nakahahawa rin sa karaniwan.

Sa 24 karagdagang Alpha variant cases na naitala, 23 ang sinasabing local cases, habang isa naman ang nanggaling sa ibang bansa.

"Based on the case list, one case died while 23 cases have been tagged as recovered," wika pa ng report.

"The total Alpha variant cases are now 2,448."

Pare-pareho namang local cases ang 28 Beta variant cases na bago. Gumaling naman na ang lahat sa kanila. Sumatutal, 2,725 na ang tinatamaan ng naturang variant.

Lima naman ang naisama pang bagong P.3 variant cases sa bansa. Gumaling na silang lahat. Ang P.3 variant ay unang nadiskubre sa Pilipinas.

Umabot na sa 2.22 milyon ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ang virus sa bansa noong 2020. Patay na ang 35,145 sa kanila.

Show comments