^

Bansa

26,303 record-high kaso ng COVID-19, naitala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nabasag ang pinakamataas na rekord ng arawang kaso ng COVID-19 makaraang makapagtala nitong Sabado ng hapon ang Department of Health (DOH) ng 26,303 bagong kaso base sa ipinadalang resulta ng mga testing laboratories sa bansa.

Sa Case Bulletin No. 546, umakyat na sa 2,206,021 ang kabuuang indibiduwal na tinamaan ng COVID-19 magmula nang maitala ang unang kaso noong Marso 2020.

Nakapagtala ng 27.6% positive rate sa 75,688 indibidwal na isinalang sa COVID-19 tests nitong Setyembre 9.

Nasa 16,013 pasyente ang gumaling kahapon kaya tumaas ang recove­ries sa 1,985,337.

Umabot sa 79 pas­yente ang nasawi kahapon kaya naitala ang death toll sa 34,978.

Naitala naman ang mga aktibong kaso sa 185,706.

Sa mga aktibong kaso, 85.3% nito ay mild cases, 10.2% asympto­matic, 0.6% kritikal, 1.3% severe at 2.56% mode­rate cases.

Sa buong bansa, nakapagtala ng utilization rate na 76% sa ICU beds, 68% isolation beds, 73% ward beds at 56% ventilators.

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with