130 colleges, universities pinayagan na ng CHED sa limitadong face-to-face classes

Ayon kay CHED Exe­cutive Director Atty. Cen­derilla Filipina Benitez-Jaro, inaprubahan na ng Mala­kanyang ang endorsement ng Komisyon para sa pagbabalik-eskwela sa kolehiyo.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Balik-eskwela na ang aabot sa 130 Higher Education Institutions matapos payagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang limitadong face-to-face classes. 

Ayon kay CHED Exe­cutive Director Atty. Cen­derilla Filipina Benitez-Jaro, inaprubahan na ng Mala­kanyang ang endorsement ng Komisyon para sa pagbabalik-eskwela sa kolehiyo.

Gayunman, tanging mga medical at allied courses lamang muna ang isasalang sa face-to-face classes sa pagbubukas ng pasukan ngayong Set­yembre.

Kabilang sa mga tinukoy na allied courses ay ang Medicine, Nursing, Physical Therapy, Midwifery, Medical Technology /Medical Laboratory Science, Public Health, Speech Language Pathology at Dentistry.

Pinayagan din ang mga kursong Respiratory Therapy, Pharmacy at Radiology Technology.

Sa isang Memorandum, pinatitiyak ng Palasyo na magkaroon ng guidelines ang CHED na masusunod ang lahat ng health protocols sa mga paaralan na papayagan na magbalik eskwela. 

Sa September 23 na inaasahan ang pagbabalik sa limitadong face-to-face classes ng mga estud­yante sa College.

 

Show comments