130 colleges, universities pinayagan na ng CHED sa limitadong face-to-face classes
MANILA, Philippines — Balik-eskwela na ang aabot sa 130 Higher Education Institutions matapos payagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang limitadong face-to-face classes.
Ayon kay CHED Executive Director Atty. Cenderilla Filipina Benitez-Jaro, inaprubahan na ng Malakanyang ang endorsement ng Komisyon para sa pagbabalik-eskwela sa kolehiyo.
Gayunman, tanging mga medical at allied courses lamang muna ang isasalang sa face-to-face classes sa pagbubukas ng pasukan ngayong Setyembre.
Kabilang sa mga tinukoy na allied courses ay ang Medicine, Nursing, Physical Therapy, Midwifery, Medical Technology /Medical Laboratory Science, Public Health, Speech Language Pathology at Dentistry.
Pinayagan din ang mga kursong Respiratory Therapy, Pharmacy at Radiology Technology.
Sa isang Memorandum, pinatitiyak ng Palasyo na magkaroon ng guidelines ang CHED na masusunod ang lahat ng health protocols sa mga paaralan na papayagan na magbalik eskwela.
Sa September 23 na inaasahan ang pagbabalik sa limitadong face-to-face classes ng mga estudyante sa College.
- Latest