MANILA, Philippines — Dalawang bagyo ang kasalukuyang umiiral sa loob ng Philippine area of responsibility, ang isa tinatayang sasalpok sa kalupaan ng ika-walong beses sa probinsya ng Batangas ngayong umaga.
Bandang 4 a.m. nang mamataan ang mata ng Typhoon Kiko 1,175 kilometro silangan ng Central Luzon, ayon sa state weather bureau, Miyerkules.
Related Stories
- Lakas ng hangin: 150 kilometro kada oras
- Bugso ng hangin: 185 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Bilis ng pagkilos: 20 kilometro kada oras
Ngayong 7 a.m. naman nang maobserbahan ang sentro ng Severe Tropical Storm Jolina sa ibabaw ng coastal waters ng San Juan, Batangas, sabi ng PAGASA.
- Lakas ng hangin: 95 kilometro kada oras
- Bugso ng hangin: 115 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran hilagangkanluran
- Bilis ng pagkilos: 15 kilometro kada oras
Kaugnay ng mga naturang sama ng panahon, nakataas naman ang mga Tropical Cyclone Wind Signals sari-saring bahagi ng Pilipinas:
Signal no. 2
- Marinduque
- hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro (Bansud, Gloria, Pinamalayan, Pola, Socorro, Victoria, Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan)
- hilaga at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz, Sablayan) kasama ang Lubang Islands
- gitna at timog bahagi ng Quezon (General Luna, Macalelon, Sampaloc, Unisan, Pagbilao, Sariaya, Alabat, Pitogo, City of Tayabas, Padre Burgos, Lucban, Gumaca, Agdangan, Plaridel, San Antonio, Candelaria, Atimonan, Quezon, Tiaong, Mauban, Perez, Lucena City, Dolores, Real, Infanta)
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Metro Manila
- timog bahagi ng Bulacan (Pandi, Bulacan, Marilao, Calumpit, Norzagaray, Plaridel, Santa Maria, Balagtas, Bocaue, Bustos, City of Malolos, Angat, Obando, City of San Jose del Monte, Pulilan, City of Meycauayan, Hagonoy, Paombong, Guiguinto, San Rafael, Baliuag)
- Pampanga
- Bataan
- Zambales
- Tarlac
Dahil diyan, makararanas o nakararanas na ng mapaminsalang "gale-forece" hanggang "storm-force" winds sa loob ng 24 oras.
Signal no. 1
- La Union
- timog bahagi ng Benguet (Sablan, Tublay, Bokod, La Trinidad, Baguio City, Itogon, Tuba, Kapangan, Atok)
- timog bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Aritao, Santa Fe, Kayapa)
- timog bahagi ng Aurora (Baler, Maria Aurora, San Luis, Dingalan)
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- nalalabing bahagi ng Bulacan
- nalalabing bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands
- Camarines Norte
- kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Ragay, Del Gallego, Lupi, Sipocot, Cabusao, Libmanan, Pasacao, Pamplona)
- kanlurang bahagi ng Romblon (Odiongan, Romblon, Banton, Santa Maria, Concepcion, San Andres, San Jose, Looc, Ferrol, Alcantara, San Agustin, Calatrava, Corcuera, Santa Fe)
- nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
- nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
Kaugnay niyan, nakararanas na o makararanas pa lang ng malalakas na hangin sa mga sumusunod na lugar sa loob ng 36 oras.
Sinasabing magla-landfall na naman ang bagyong "Jolina" sa kalugaran ng Lobo o San Juan, Batangas sa susunod na isa hanggang dalawang oras. Matapos niyan, tatawid ito sa Batangas-Cavite area bago makita sa Manila Bay ngayong hapon o gabi. Susundan na naman ito ng isa pang landfall sa kalugaran ng Bataan Peninsula.
Posibleng lumabas ang bagyong "Jolina" sa PAR ngayong Biyernes ng umaga.
Ilang lugar naman sa probinsya ng Northern Luzon at Extreme Northern Luzon simula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ang pwedeng taasan ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) dahil sa Typhoon Kiko: "The highest possible wind signal that may be hoisted for this tropical cyclone is TCWS #4."
Malalakas na pag-ulan
Sa susunod na 24 oras, inaasahang makararanas ng "malalakas hanggang matitindi na minsanang 'torrential' na ang mga pag-ulan sa:
- Metro Manila
- Bataan
- Romblon
- Marinduque
- Cavite
- Laguna
- Batangas
- Rizal
- Quezon
- Camarines Norte
- Occidental Mindoro
- Oriental Mindoro
Katamtaman hanggang malalakas hanggang matitinding pag-ulan naman ang maaaring matikman ng:
- Aurora
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Zambales
- Camarines Sur
- hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands
- Aklan
- Antique
- Capiz
- Iloilo
- Guimaras
- Negros Occidental
"Under these conditions, scattered to widespread flooding (including flash floods) and rain-induced landslides are highly likely especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps," wika pa ng PAGASA.