Bagyong 'Jolina' humina, sasagasa sa Marinduque o Quezon bukas

Huling mamataan ang mata ng Severe Tropical Storm Jolina 60 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Masbate City, Masbate bandang 4 p.m., ayon sa ulat ng PAGASA ngayong hapon.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang bagyong "Jolina" sa pinakabagong ulat ng state meteorologists, Martes, bagay na naobserbahan habang kumikilos ito sa ibabaw ng Sibuyan Sea.

Huling mamataan ang mata ng Severe Tropical Storm Jolina 60 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Masbate City, Masbate bandang 4 p.m., ayon sa ulat ng PAGASA ngayong hapon.

  • Lakas ng hangin: aabot hanggang 100 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: aabot hanggang 125 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran
  • Bilis ng paggalaw: 15 kilometro kada oras

"In the next 24 hours, heavy to intense with at times torrential rains over Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Southern Quezon, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, and Occidental Mindoro. Moderate to heavy with at times intense rains over Metro Manila, Aurora, the rest of CALABARZON, and Western Visayas," wika ng ahensya kanina.

"Under these conditions, scattered to widespread flooding (including flash floods) and rain-induced landslides are possible especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps."

Tinatayang sasalpok o daraan sa ibabaw ng Marinduque-Southern Quezon area ang mata ng bagyong "Jolina" Miyerkules ng umaga. Matapos nito, posibleng dumaan ito sa Tayabas Bay at magla-landfall uli sa timogkanlurang bahagi ng Quezon bukas ng hapon.

Bago lisanin ng bagyo ang kalupaan ng Pilipinas, tinatayang daraan ito sa Calabarzon at Central Luzon. Matapos daanan ang Luzon, nakikitang hihina ang sama ng panahon patungong tropical storm category.

Signal no. 2 nakataas pa rin

Hindi katulad kaninang umaga, wala nang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa ngayon.

Gayunpaman, Signal no. 2 pa rin sa:

  • gitna at timog bahagi ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Mulanay, Catanauan, General Luna, Macalelon, Calauag, Gumaca, Pitogo, Unisan, Atimonan, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Quezon, Alabat, Perez, Mauban, City of Tayabas, Sampaloc, Lucban, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Real)
  • timog bahagi ng Rizal (Binangonan, Cardona, Jala-Jala, Pililla)
  • Laguna
  • timogkanlurang bahagi  ng Batangas (Calaca, Laurel, Lemery, Talisay, San Nicolas, Balete, City of Tanauan, Santo Tomas, Malvar, Lipa City, Mataasnakahoy, Cuenca, Agoncillo, Taal, Santa Teresita, Alitagtag, San Jose, Batangas City, Ibaan, Taysan, Lobo, Rosario, San Juan, Padre Garcia, San Pascual, Bauan, Mabini, San Luis, Tingloy)
  • hilagangsilangang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan, Gloria)
  • Marinduque
  • Romblon
  • Sorsogon
  • kanlurang bahagi ng Albay (Polangui, Oas, City of Ligao, Guinobatan, Camalig, Daraga, Legazpi City, Manito, Jovellar, Pio Duran, Libon)
  • Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
  • kanluran at timog bahagi ng Camarines Sur (Bato, Nabua, Balatan, Iriga City, Baao, Bula, Ocampo, Pili, Naga City, Canaman, Pamplona, Milaor, Gainza, Camaligan, San Fernando, Minalabac, Pasacao, Libmanan, Magarao, Cabusao, Bombon, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego)
  • kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Santa Elena, Labo, San Vicente, San Lorenzo Ruiz)

Kaugnay niyan, mararanasan ang mapaminsalang "gale-force winds" sa loob ng 24 oras sa mga nabanggit na erya.

Signal no. 1 naman ang maaasahan sa:

  • timog bahagi ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
  • timog bahagi ng Quirino (Nagtipunan)
  • timog bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Aritao, Santa Fe)
  • Nueva Ecija
  • Pangasinan
  • Tarlac
  • Zambales
  • Bataan
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Metro Manila
  • nalalabing bahagi ng Rizal
  • nalalabing bahagi ng Quezon
  • Cavite
  • nalalabing bahagi ng Batangas
  • nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
  • nalalabing bahagi ng Camarines Norte
  • nalalabing bahagi ng Camarines Sur
  • Catanduanes
  • nalalabing bahagi ng Albay

Malalakas na hangin ngayon o sa loob ng 36 ang mararanasan sa mga nabanggit na erya. — James Relativo

Show comments