Travel ban sa 10 bansa, aalisin na!

This undated image shows travelers walking in an airport.
Pixabay / Skitterphoto

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na alisin ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia si­mula bukas, Setyembre 6.

Inaprubahan din ng IATF ang pagkakaroon ng “Yellow” at “Red” classifications, bukod pa sa “Green” countries/jurisdictions/territories.

Bagaman at wala pang inilalabas na listahan, ang “Yellow List” countries/jurisdictions/territories ay ang mga itinuturing na “Moderate Risk.”

Ang mga inbound international travellers, anuman ang kanilang vaccination status ay kaila­ngan pa ring sumailalim sa 14 days quarantine pagdating sa bansa. Kailangang kumpletuhin ang unang 10 araw sa isang quarantine facility at ang natitirang apat na araw ay dapat home quarantine sa kanilang pupuntahang destinasyon.

Kailangan ding sumailalim sa RT-PCR testing sa ika-7 araw buhat nang dumating sa bansa. Kahit negatibo ang resulta, kailangang tapusin ang 10 days uarantine.

Hindi naman papayagang pumasok sa bansa ang mga inbound international travellers na mula sa “Red List” o “High Risk countries.

Tanging ang mga pauwing Filipino sa pamamagitan ng government-initiated repatriation, non-government-initiated repatriation, at Bayanihan ang papayagang makapasok sa bansa pero kailangan pa rin nilang sumailalim sa entry, testing at qua­rantine protocols.

Show comments