^

Bansa

‘Timeout muna’, ihihirit ng mga doctor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Timeout muna’, ihihirit ng mga doctor
Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Phi­lippine College of Physicians, marami na sa kanila ang nakararanas ng sobrang pagod at stress dahil sa malaking bilang ng mga pasyente.
AFP / File

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera nga­yon ng mga doktor ang paghingi ng panibagong ‘timeout’ kasabay ng nararanasang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngunit pinag-iisipan pa nila ang mga magiging resulta nito sa healthcare system ng bansa.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Phi­lippine College of Physicians, marami na sa kanila ang nakararanas ng sobrang pagod at stress dahil sa malaking bilang ng mga pasyente.

“Hindi ko na masabing kayang-kaya, ano, katulad noong mga nakaraang araw kasi talagang medyo nakakapagod na. Maski ako, nararamdaman ko na ‘yung pagod. In fact, ang feeling na namin, nasusuka na kami. Ganyan talaga ‘yung pakiramdam namin. Ibig sabihin, medyo nahihirapan na kami,” ayon kay Limpin.

Sa kabila nito, ginagawa pa rin umano nilang mga doktor ang kanilang makakaya para pagsilbihan ang mamamayang Pilipino.

Bukod sa bilang ng mga pasyente, nakararanas din ang mga doktor ng ‘emotional fatigue’ dahil sa napipilitan silang magdesisyon sa kapalaran ng mga pas­yente dahil sa kakapusan ng mga kasangkapang medikal.

“Katulad ng mga kasamahan namin sa Cebu, at sa ibang lugar, nagsasabi na rin, na minsan sila pa ‘yung nagdedecide ng kung sino sa mga pasyente ‘yung pwedeng malagay sa ventilator, respirator, dahil kulang sa ventilator na,” paliwanag ni Limpin.

Mahabang usapin pa umano sa kanilang hanay kung hihiling na sila ng ‘timeout’ dahil sa hindi naman nila basta-basta ito pinagdedesisyunan.

“Kaming mga doktor, ayaw naming dumagdag pa sa ingay. Bakit? Kasi nandito na tayo sa pandemic na ito. We are in a battle, maingay na as it is,” dagdag pa niya.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with