MANILA, Philippines — Iginiit ni dating Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Secretary General Bro Clifford Sorita na misinformation at hindi umano maaaring pagbatayan na totoong sentimyento ng taumbayan ang mga isinasagawang political surveys.
Paliwanag ni Sorita na dahil online ang survey ay tiyak na problema ang mga trolls na nakadikit agad kaya ang resulta nito ay hindi matuturing na authentic at reliable ang pagsagot ng survey.
Gayundin ang pananaw ni 1Sambayan convenor Neri Colmenares, na ang pangunguna ni Mayor Sara Duterte sa survey ng presidential race ay dahil noong 2020 pa ay nag-iingay na ito na tatakbo sa eleksyon sa pamamagitan ng nagkalat na campaign posters.
Sinabi naman ni UP Political Science Prof. Maria Ela Atienza na ang high popularity ng mga Duterte ay bunsod ng divided opposition at resulta ng culture of fear sa administration.
Aminado rin ang political analyst na si Mon Casiple na magiging malaking dagok sa administrasyon para sa 2022 election ang naging paghawak nito sa pandemic.
May mga local government units na nag-excel sa paghawak ng COVID cases sa kanilang lugar habang may ilan na bagsak.
Tiyak umano na si Sara kung tatakbo sa pang-panguluhan ay titignan ang naging paghawak nito ng pandemic sa Davao City.