^

Bansa

DOH sinita COVID-19 vaccinations sa mga menor de edad sa Tacloban

James Relativo - Philstar.com
DOH sinita COVID-19 vaccinations sa mga menor de edad sa Tacloban
A health worker administers a dose of the BioNtech Pfizer Covid-19 vaccine to a resident at a drive-through vaccination center in Manila City suburban Manila on July 31, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Napuna ng Department of Health (DOH) ang "pinagbabawalan" pang pagbabakuna ng COVID-19 vaccines sa mga menor de edad sa ilang probinsya, bagay na isinasagawa dahil sa kakulangan pa ng suplay coverage nito sa may mas mataas na risk sa sakit.

Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes, matapos mabalitaang tinuturukan ng Moderna vaccines at iba pang brands ng bakuna ang ilang 17-anyos na may comorbidity sa Tacloban.

Aprubado lang ang pagtuturok ng Moderna sa mga 18-anyos pataas, ayon sa emergency use authorization (EUA) ng Philippine Food and Drug Administration. Tanging Pfizer vaccine lang ang pwede sa mga 12-17 taong gulang ayon sa EUA nito, ngunit hindi pa ito pinasisimulang iturok sa mga bata

"Sa ngayon po, ang protocols ho, hindi pa rin tayo nagbubukas ng pagbabakuna para sa mga bata, even those with comorbidities... We have flagged this with our regional office in Region VIII, and we asked them to discuss this with the city health officer of Tacloban," ani Vergeire kanina.

"[K]ahit naman po pinayagan [sila] ng kanilang pediatric cardiologist [para magpabakuna] pero ang national government protocol ay hindi pa 'yan pinapayagan, hindi po nila dapat ginagawa 'yon."

Bagama't may EUA na ang Pfizer vaccines para sa mga menor de edad, pinapa-"stabilize" pa raw nila ang suplay ng mga gamot at inuuna muna ang mga nakatatanda at may comorbidities na adult population.

Aniya, mas malaki raw kasi ang risk ng mga nabanggit sa malalalang komplikasyon ng COVID-19.

"[A]nd then [after that], vaccinations for children will follow din naman po basta nagkaroon tayo ng more evidence on safety and our supplies are enough already," patuloy ng DOH official.

Lunes lang nang maitala ng DOH ang pinakamalaking bilang ng new COVID-19 cases sa kasaysayan ng Pilipinas, bagay na sumirit sa 22,366 sa iisang araw lang. Sumatutal, 1.97 milyon na ang naitatalang infections.

Kanina lang din nang ideklara ng World Health Organization sa Pilipinas na "pinakalaganap" nang hawaan ng COVID-19 ang Delta variant sa bansa, na labis mas nakahahawa kumpara sa karaniwan.

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

TACLOBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with