^

Bansa

Pacquiao 'handa tumakbong independent' sa 2022 kung PDP-Laban faction hindi kilalanin ng Comelec

James Relativo - Philstar.com
Pacquiao 'handa tumakbong independent' sa 2022 kung PDP-Laban faction hindi kilalanin ng Comelec
Kita sa file photo na ito sina Sen. Manny Pacquiao (kaliwa) at Pangulong Rodrigo Duterte (kanan)
The STAR, File

MANILA, Philippines — Posibleng kumandidatong "independent" sa Halalang 2022 si Sen. Manny Pacquiao at hindi sa ilalim ng kanyang partido kung magkagipitan dahil sa giriian sa loob ng kanilang partido.

Nag-file kasi ng magkahiwalay na Sworn Information Update Statements ang dalawang magkaibang liderato ng PDP-Laban ngayong buwan. 

Hindi pwedeng maghain ng Certificates of Nomination and Acceptance, na kailangan para tumakbo sa partido, ang paksyong hindi aaprubahan ng Commission on Elections (Comelec).

"Ready po siya. Ganiyan po katibay ang prinsipyo ni Sen. Manny Pacquiao," ani PDP-Laban Pacquiao wing executive director Ron Munsayac, Lunes.

Bali-balitang may planong tumakbo sa pagkapresidente ng bansa si Pacquiao sa 2022. Gayunpaman, hindi pa nila inaanunsyo ang pinal niyang tatakbuhan.

Kasalukuyang may sigalot ang paksyon nina Pacquiao sa paksyon nina Energy Secretary Alfonso Cusi kung sino ang lehitimong PDP-Laban sa ngayon.

Una nang tinanggal ng Cusi wing ng partido si Pacquiao bilang presidente ng partido, habang hinirang nilang pangulo ang nauna. Ineendorso ng kanilang paksyon si Sen. Bong Go sa pagkapresidente sa 2022 habang nais nilang gawing bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinirang namang chairperson ng Pacquiao wing si Sen. Aquilino Pimentel III, habang in-"oust" nila sa parehong pwesto si Digong.

"So, sinasabi niya [Pacquiao] po sa amin, kay Sen. Pimentel at sa ibang leaders ng partido namin na, ‘Ron, Koko, I will not leave PDP-Laban. Ipaglaban natin ito kasi sa mga miyembro ito eh, ipaglaban natin ito," patuloy ni Munsayac kanina.

"Napamahal na po siya sa prinsipyo, ideolohiya at sa nakita niya po 'yung suporta ng mga miyembro namin sa kanya so he will not leave the PDP-Laban no matter what the consequences are."

Sa kabila ng endorsement ng Cusi wing kay Go, patuloy pa ring tinatanggihan ng senador ang pagpapatakbo sa kanya bilang pangulo sa susunod na taon.

Inaasahang magdedesisyon ang Comelec en banc pagdating sa dalawang magkaibang PDP-Laban SIUS bago ang filing of candidacy sa Oktubre.

 

2022 NATIONAL ELECTIONS

ALFONSO CUSI

MANNY PACQUIAO

PDP-LABAN

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with