MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 22,366 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Lunes, kung kaya't nasa 1.97 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,976,202
- Nagpapagaling pa: 148,594, o 7.5% ng total infections
- Kagagaling lang: 16,864, dahilan para maging 16,864 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 222, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 33,330
Protesta ng healthcare workers tuloy-tuloy
-
Naitala ang pinakamalaking pagtalon ng bagong COVID-19 cases sa kasaysayan ng Pilipinas ngayong araw sa bilang na 22,366. Nahigitan na nito ang record na 19,441 nitong Sabado.
-
Umaabot na sa 117,000 ang mga nahuling lumalabag sa mga panuntunan ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila simula nang muli itong ibalik noong ika-21 ng Agosto, ayon sa Philippine National Police kanina.
-
Nagprotesta naman ngayong araw ang ilang health workers gaya ng Alliance of Health Workers sa tapat ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at St. Luke's Medical Center sa Quezon City para ipanawagan ang mga hindi pa rin naibibigay sa kanilang special risk allowance at mga benepisyo habang nagdu-duty sa gitna ng COVID-19 pandemic. Pinagbibitiw na rin nila sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III.
-
Kinilala naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga healthcare workers ngayong Araw ng mga Bayani, lalo na't malaki ang kanilang isinasakripisyo sa gitna ng pandemya makapagligtas lang ng mga pasyente.
-
Mahigit 16,000 preso naman na ang sinasabing "fully vaccinated" na laban sa COVID-19 sa ngayon, ayon sa taya ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
-
Samantala, extended naman sa Metro Manila at mga probonsya ng Bataan at Laguna ang MECQ hanggang ika-7 ng Setyembre.
-
Umabot na sa 214.46 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.47 milyong katao.
— James Relativo