^

Bansa

Sa gitna ng delayed benefits: Health workers pinarangalan ngayong 'National Heroes Day'

James Relativo - Philstar.com
Sa gitna ng delayed benefits: Health workers pinarangalan ngayong 'National Heroes Day'
Health workers from the government-run Philippine General Hospital hold placards as they ask the government to release their risk allowances amid rising Covid-19 coronavirus infections, in Manila on August 26, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinagpugayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sakripisyong ibinibigay ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong Araw ng mga Bayani.

Pinagpupugayan ni Digong ang mga nabanggit habang nagproprotesta ang healthcare workers ngayong Lunes. Wala pa rin kasi ang halos P5,000 buwanang "special risk allowance" (SRA) ng marami sa kanila kahit talamak ang COVID-19 cases sa mga ospital.

"This National Heroes Day, we pay tribute to a new breed of heroes who readily answered the call to fight in a war against one of the greatest threats to our way of life," ani Duterte sa isang pahayag.

"These past two years, we have witnessed the indomitable spirit of these nameless health workers, uniformed personnel, government employees, and frontliners in essential industries who — hiding in anonymity — bravely led out battle against the COVID-19 pandemic."

Hindi na mabilang ang healthcare workers na tinamaan at namatay sa COVID-19 habang sinasagip ang buhay ng iba sa mga pagamutan.

Ani Duterte, ginagawa ito ng mga manggagawang pangkalusugan kahit alam nilang hindi sila mapaparangalan isa-isa sa mga libro't istatwa.

"This year, let us consecrate this day not just as a memorial to their extraordinary heroism, but as an enduring testament to our inherent capacity to rise above self-interest to fight for a cause far greater than our own. Mabuhay ang mga bayaning Pilipino," patuloy ng pangulo.

Protesta ng mga health workers

Kanina lang nang maglunsad ng kilos protesta ang mga healthcare workers ng mga pribadong ospital gaya ng St. Luke's Medical Center sa Quezon City dahil pa rin sa hindi pa rin nakakarating sa kanila ang mga SRA, meal accomodation, transporation allowance at active hazard duty pay.

 

 

Una nang sinabi ng Alliance of Health Workers (AHW) na magkakaroon ng malawakang mga protesta ang mga unyon sa ilalim ng kanilang bandera hanggang bukas, ika-31 ng Agosto, lalo na't nakasaad na Bayanihan Law ang mga naturang benepisyo.

Kinakastigo rin ngayon ng AHW ang paglilimita ng Bayanihan law sa paglilimita ng SRA at mga benepisyo sa mga health workers na direktang nagtratrabaho kasama ang mga COVID-19 cases, kahit na nasa peligro rin ang lahat ng nagtratrabaho sa ospital na puno ng mga pasyente.

Biyernes lang nang sabihin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na gusto sana nila maging benepisyaryo rin ang iba pang health workers na nasa labas ng COVID-19 wards, ngunit sadyang nalilimitahan sila ng batas sa ngayon.

Kaugnay nito, nagre-request naman ang Department of Health ng karagdagang SAR para sa 17,670 pang healthcare workers na nagsumite ng requirements. Sa ngayon kasi, nasa 20,000 healthcare workers lang ang covered ng benepisyo.

Nangyayari ang lahat ng ito habang nagkukumahog ang DOH na ipatupad ang 10-araw na palugit na ibinigay sa kanila ni Duterte para sa full distribution ng benepisyo.

"Hindi naman bago ‘yung pandemic—one and a half years na tayo rito. Tapos ngayon magsa-scramble tayo at kung saan-saan maghahanap ng pambigay na dapat inasikaso natin last year pa," ani Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang radio show nitong Linggo.

"Walang excuse kung bakit hindi natin naasikaso [ang mga benepisyo]." — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

DOCTORS

HEALTHCARE WORKERS

LENI ROBREDO

NATIONAL HEROES DAY

NOVEL CORONAVIRUS

NURSE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with