^

Bansa

Dating parak na tumodas sa mag-inang nasa viral video 'guilty' sa murder

James Relativo - Philstar.com
Dating parak na tumodas sa mag-inang nasa viral video 'guilty' sa murder
Makikita sa litratong ito ang pamamaslang na nakunan sa video, bagay na ginawa ni Police SMSgt. Jonel Nuezca sa harap mismo ng kanyang menor de edad na anak, ika-20 ng Disyembre, 2020
Video grab mula Facebook ni Ronjie Daquigan, konsehal mula Gerona, Tarlac

MANILA, Philippines — Napatunayang nagkasala ng isang korte sa Tarlac ang isang dating pulis matapos kontrobersiyal na pagbabarilin hanggang mamatay ang mag-inang kapitbahay na nakaalitan noong nakaraang taon.

Disyembre 2020 nang pagbabarilin sa sentido ni dating police senior master sergeant Jonel Nuezca ang 'di armadong 52-anyos na si Sonia Gregorio at kanyang anak na si Frank, bagay na binatikos nang marami dahil sapolice brutality.

Parusang reclusion perpetua at patung-patong na danyos perwisyo ang kinakailangang bayaran ng dating lespu dahil sa krimen, ayon sa Branch 106 ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court — bagay na inituos ngayong Huwebes.

"[J]udgement is hereby rendered finding accused JONEL NUEZCA y MOSTALES GUITY beyond reasonable doubt of the crime of murder (two counts) as defined and penalized in Article 248 of the Revised Penal Code," wika ng hukom na si Stella Maria Gandia-Asuncion.

 

 

Tumutukoy ang reclusion perpetua sa pagkakakulong na maaaring umabot hanggang 40 taon. Dahil dalawang counts ng murder ang ipinataw, dalawang beses ding kinakailangang pagbayaran ni Nuezca ang sumusunod:

  • P100,000 civil indemnity sa mga kamag-anak nina Sonia at Frank Gregorio (2)
  • P100,000 moral damages (2)
  • P100,000 exemplary damages (2)
  • P126,280 actual damages (2)
  • P50,000 temperate damages na may 6% interest rate per annual mula sa finality ng desisyon hanggang mabayaran (2)

Matatandaang ginawa ni Nuezca ang karumal-dumal na krimen habang napapanuod itong lahat ng kanyang menor de edad na anak na babae.

Una nang naibalitang nagsimula ang ayaw ng magkakapit-bahay dahil sa isyu ng paggamit ng "boga" at "right of way."

Sumuko rin noon si Nuezca at tuluyang tinanggal sa serbisyo noong Enero 2021.

Kampo ng mag-inang Gregorio ikinatuwa ang hatol

Sa panayam ng dzBB kay Freddie Villamor, abogado ng pamilya Gregorio, ikinatuwa nila na anim na buwan lang ang binuno ng kaso, na napakabilis na raw.

Malaki rin daw ang naitulong ng kumuha ng video evidence sa itinakbo ng kaso, asawa ni Sonia, mga pulis sa cybercrime unit at medico legal na iprinesenta sa kanila.

"If we're talking about the case itself, I would say it's one for the record dahil natapos yung kaso in six months," ani Villamor kanina.

"Not only from the time the case started, it's eight months from the time the incident happened so napakabilis po nung pagkalitis ng kaso so saludo po kami and very appreciative po kami kay Judge Asuncion, yung pong presiding judge."

Hindi na raw naipagkaila ni Nuezca ang krimen dahil sa video, nagkatalo na lang daw sa kung homicide o murder ang kaso. Gayunpaman, hindi na raw nakuha ng killer humingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.

Una na raw sinabi ni Nuezca na "nagdilim" ang kanyang paningin kung kaya't nagawa at krimen, na siyang ginamit daw niya bilang depensa. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at Christian Deiparine

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HUMAN RIGHTS

JONEL NUEZCA

MURDER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE BRUTALITY

TARLAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with