MANILA, Philippines — Hinimok ng mga consumers ang publiko na bumili ng local poultry products upang matulungan ang mga magsasaka at mga manukan.
Sinabi ni Rosita Magtibay, 50, nagtitinda ng mga snacks at mga RTW, isa sa dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ay ang patuloy na pagpapasok sa bansa ng mga imported products.
“Kaya bumabagsak ang ekonomiya dahil nag-iimport sila so, ‘yung mga local na produkto ay hindi na nakakapunta sa market. Or dahil nga nag-iimport sila ng mga… ng kahit anong produkto sa Pilipinas, ‘yung mga local na producer o mga manufacturer ay hindi na nakakabenta sa market natin sa ngayon. Dahil iniisip nila ‘pag sa import mas mura kumpara sa local na mga products,” ani Magtibay.
Bagaman tumaas ang bilihin mas nanaisin pa rin ng mga ito na bumili ng lokal at sariwang produkto kaysa sa mga imported frozen poultry.
Sinabi ni Magtibay, mas pipiliin niya ang lokal na produkto dahil sariwa ito at natutulungan niya pa ang local manufacturers.
Gayundin ang naging pahayag ng isang consumer na si Maria Jachelle Agcang, 35, aniya wala nang sapat na sustansya ang mga frozen poultry kumpara doon sa mga sariwa.
Ayon sa data ng National Meat Inspection Service (NMIS), mas marami ang mga frozen poultry sa merkado kaysa sa mga sariwang poultry.