MANILA, Philippines — Isang bagyo ang nakalusot sa Philippine area of responsibility (PAR) sa gawing silangan ng Luzon ngayong araw, anunsyo ng state meteoroogists mula PAGASA.
Pormal nang pumasok sa PAR ang naturang tropical depression bandang 10 a.m., Huwebes, at namataan 1,410 kilometro silangan ng Northern Luzon. Binigyan ito ng pangalang "Isang."
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: 55 kilometro kada oras
- Pagkilos: hilagangkanluran
- Bilis: 25 kilometro kada oras
Sa kabila nito, mababa pa naman daw ang tiyansang direktang maaapektuhan ng bagyong "Isang" ang lagay ng panahon anumang baghagi ng Pilipinas sa kabuuan ng forecast period.
"The latest forecast scenario for “ISANG” shows that the hoisting of Tropical Cyclone Wind Signals over any land area in the country is unlikely," patuloy ng PAGASA sa isang pahayag.
"On the forecast track, this tropical depression is forecast to remain far from the Philippine archipelago and will move generally northwestward throughout the forecast period. 'ISANG' may likely exit the PAR by Sunday morning or afternoon."
Nakikitang mananatiling tropical depression o mahinang bagyo si "Isang" sa mga susunod na araw hanggang sa patuloy na humina sa pagiging low pressure area bago o pagdating ng Lunes.
Gayunpaman, inaabisuhan pa rin ang publiko at disaster risk reduction and management offices na ibayong pag-ingatan ang buhay at ari-arian ng lahat mula sa banta ng bagyo.
Wika ng state weather bureau, mainam pa rin na sumunod sa evacuation at iba pang kautusan mula sa mga lokal na opisyales ang lahat ng residenteng nakatira sa mga lugar na madalas malagay sa peligro tuwing may sama ng panahon. — James Relativo