MANILA, Philippines — Aabot na sa 1,600 empleyado sa pampublikong sektor ang nasawi dahil sa COVID-19 mula nang tumama ang pandemya sa Pilipinas noong 2020, ayon sa Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE).
Ikinalulungkot ng grupo ang naturang datos na mula sa Civil Service Commission (CSC) dahil maaari sanang naiwasan ang ganitong kalaking bilang kung naging maayos umano ang pamamahala ng pamahalaan sa krisis.
Sinabi ng COURAGE na maaga pa lamang nang matukoy ang COVID-19 sa Pilipinas, nanawagan na agad sila ng libreng mass testing at treatment, pagbili ng mas maraming PPEs para sa mga frontliners at tamang kompensasyon sa mga nagtatrabaho sa pampublikong sektor lalo na ang mga frontliners.
“The thousands of government employees infected and lost amid the pandemic are testaments to the poor provision of PPEs and support,” pahayag ng COURAGE.