^

Bansa

Gabriela Partylist madi-disqualify - Esperon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiwala si National Security Adviser at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Hermogenes Esperon, Jr. na madidiskuwalipika at matatanggal sa listahan ng Commission on Elections (Comelec) ang Gabriela Partylist na lalahok sa eleksiyon dahil sa umano’y pagtanggap ng pondo mula sa ibang bansa.

Ayon kay Esperon, pabibilisin nila ang pagpapalabas ng resolusyon kung saan patutunayan ng Anti-Money Launde­ring Council (AMLC) na tumanggap ng pera ang Gabriela na paglabag sa Saligang Batas. Galing umano ang mga pondo sa Belgian government, Viva Salud VZW, isang Belgian NGO at sa iba pang European group.

Sa petisyon ng NTF-ELCAC, nilabag umano ng Gabriela ang nakasaad sa batas na ang pagtanggap ng mga banyagang pondo ay isang dahilan ng pagkakansela ng pagkakarehistro ng isang partido.

Samantala, iniulat naman ni Atty. Marlon Bosantog, tagapagsalita ng NTF-ELCAC na may siyam silang witness sa petisyon para kanselahin din ang Kabataan Partylist.

Sentro ng petisyon ang pagkakatatag ng grupo na gawa ng CPP-NPA-NDF, na panguna­hing pakay ay mapasok ang “legislative bureaucracy” ng pamahalaan.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with