^

Bansa

COA pinuna 'kwestyonableng' P160-M fund transfers ng TESDA sa NTF-ELCAC

James Relativo - Philstar.com
COA pinuna 'kwestyonableng' P160-M fund transfers ng TESDA sa NTF-ELCAC
Kita sa file photo na ito ang kuha sa labas ng tanggapan ng Commission on Audit (COA)
File

MANILA, Philippines — Matapos lumabas ang kontrobersyal na pagsita ng Commission on Audit (COA) sa "deficiencies" ng Department of Health kaugnay ng kanilang P67.3 bilyong COVID-19 response funds, isa na namang ahensya ng kwinekwestyon ngayon ng komisyon — ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa bagong labas na 2020 audit report ng COA, aabot sa P160.08 milyong "highly questionable" fund transfers mula TESDA ang napasakamay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kahit na "walang proper authority/legal basis" at appropriate guidelines kung paano gagamitin ang pera.

"Audit showed that from the CY 2020 appropriation, TESDA-CO transferred to [Regional Offices] a total amount of P160,083,401.61 for the implementation of [Executive Order] No. 70," wika pa ng COA.

"[It will] likewise [be] exposing these funds to possible misue of misappropriation."

Tumutukoy ang EO 70 sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbubuo sa NTF-ELCAC noong 2018, isang sangay ng gobyerno na madalas mabatikos sa mali-mali nitong red-tagging sa mga aktibista, mga indibidwal at organisasyon.

Sa ilalim ng Section 4 ng Presidential Decree 1445, sinasabing walang pwedeng bayaran mula sa public treasury o depository maliban kung pagsunod ito sa isang appropriation law o iba pang espisipikong "statutory authority."

"EO No. 70 and its activities were not among the identified funded programs/projects in the current year's apprpriation of TESDA and no Special Allotment Release Order (SARO) from the [Department of Budget and Management] was issued that authorized the reallocation of funds to cover the above fund transfers," dagdag pa nila, bagay na kontraq raw sa PD 1445.

"We recommended that Management provide legal authority/basis for the fund transfers of P160,083,401.61 to ROs for the implementation of EO No. 7, for this may be a ground for technical malversation of public funds."

 

 

Davao Region pinakamalaking nakuha para sa NTF-ELCAC

Kung sisilipin ang mga datos, Region XI (Davao Region) ang nakakuha ng pinakamalaking alokasyon, bagay na papalo ng 41.95 milyon ng kabuuang P160.08 milyong kwinekwestyon.

Si Duterte ay mula sa Davao City, na siyang nasa Region XI.

Sa insiyal ding review ng P6-milyong fund augmentation ng ELCAC para sa Region XII (Soccsksargen), lumalabas na merong "kwestyonableng mga aktibidad" at pinaglaanan ng pera.

Wala pa namang pahayag ang TESDA at NTF-ELCAC sa ngayon pagdating sa mga obserbasyong inilabas ng naturang komisyon sa ngayon.

Kasama sa mga napuna sa Region XII ang mga sumusunod:

 

Lunes lang nang gabi nang mag-init ang ulo ni Duterte dahil sa pag-flag ng COA sa DOH noong nakaraan, habang iginigiit na "wala namang katiwaliang nangyari" sa P63.7 bilyong budget na nakalaan sana para sa COVID-19 response.

Aniya, dapat daw ay hindi muna mag-audit ang COA habang hindi pa tapos ang administrasyon ni Digong, kahit na taun-taon naman na itong ginagawa ng komisyon kahit dati pa.

Ikinainis naman ni Gabriela secretary general Joms Salvador ang ganitong asal ni Duterte kagabi, lalo na't ganito naman daw talaga ang trabaho ng komisyon para matiyak na walang katiwalian.

"It is well within COA’s Constitutional mandate to look into how public funds are spent and to publicize their audit reports of government agencies. That’s after all why COA was created," ayon kay Salvador ngayong Martes.

"It is, meanwhile, never within the president’s mandate to defend and cover up for spending anomalies in executive agencies and public offices created by him like the DOH, TESDA, NTF-ELCAC and heaven knows what else."

 

COMMISSION ON AUDIT

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with