MANILA, Philippines — Mula sa dating 51, nabawasan at naging 36 na lamang ang mga bansa na nasa “green” o low COVID-19 risk countries kung saan maaaring maikli ang araw ng quarantine ng mga biyahero na pagdating sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang updated na listahan ng mga “green” countires.
Ito ang pangalawang pagbabago na ginawa sa listahan sa nakaraang isang buwan.
Naalis sa listahan and Azerbaijan, Antigua and Barbuda, Bermuda, Bulgaria, Gambia, Ghana, Kosovo, Laos, Moldova, North Macedonia, Saba (Special Municipality ng Kingdom of Netherlands), Saint Barthelemy, Singapore, Sint Eustatius, Togo, Dominica, and Marshall islands.
Nadagdag naman sa listahan ang Sudan at Cameroon.
Kabilang din sa “green” list ang Albania, American Samoa, Anguilla, Australia, Benin, Bosnia and Herzegovina, Brunei, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Grenada, Hong Kong, Hungary, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat (British Overseas Territory), New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Romania, Saint Pierre and, Miquelon, Slovakia, Sudan at Taiwan.