Gabriela, tumanggap ng financial aid mula abroad – Esperon
MANILA, Philippines — Tumanggap umano ng financial aid ang Gabriela Women’s party-list group mula sa ibang bansa at sa ilang ahensiya nito batay sa pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kaugnay ng ginawang pagtestigo sa pagdinig ng disqualification case na isinampa ng NTF-ELCAC laban sa Gabriela sa Commission on Elections (Comelec).
Sa ipinadalang press statement ni Esperon, nagsampa ng petisyon ang NTF-ELCAC laban sa Gabriela Women’s Party (GWP) at GABRIELA at sa Gabriela Assembly of Women and Reforms (GAWR), para ang kanilang mga registration sa party-list system ay maialis.
Sa kanyang pagtestigo, sinabi ni Esperon na tumanggap diumano ang Gabriela ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan ng Belgium at sa ilang accredited NGO nito at ang umayos umano ng financial audit ay ang accounting firm na MAZARS.
Sinasabi ng MAZARS, ang Gabriela kasama ang IBON Foundation at grupong Karapatan ay mga local partners ng Viva Salud VZW, isang Belgian accredited NGO.
Batay naman sa ulat ng AMLC, ang Viva Salud ay nagpadala ng P1.811M remittance sa Gabriela noong Marso 28, 2019 at anim na remittances mula sa isang Intl. FCSTONE Ltd. na nakabase sa London, United Kingdom na nagkakahalaga ng P1.058M-P2.19M mula Setyembre 2015 hanggang Marso 2019.
Ayon kay Esperon, maliwanag na ito ay paglabag sa Section 2 paragraph 5, Article 9 ng Philippine Constitution na nagsasabing hindi dapat tumanggap ang anumang Partido ng tulong pinansiyal mula sa ibang bansa at ahensiya at ang ganitong aksyon ay puwedeng basehan ng pagkansela ng registration.
- Latest