^

Bansa

Sigaw ng mga grupo: Taas-singil sa kuryente habang ECQ 3.0 itigil

James Relativo - Philstar.com
Sigaw ng mga grupo: Taas-singil sa kuryente habang ECQ 3.0 itigil
Sa file photo na ito, naka-face mask habang nagkukumpuni ng linya ng mga kuryente ang ilang manggagawa
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Binanatan ng sari-saring progresibong grupo ang napipintong pagtataas ng singil sa kuryente sa kalagitnaan ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa sari-saring lugar, panahong hindi makapagtrabaho at hirap sa pera ang marami.

Lunes lang nang sabihin ng Manila Electric Co. (Meralco) na tumaas ng P0.0965 per kWh ang overall rate ngayong Agosto, na magreresulta sa P19 dagdag sa bill ng mga bahay na kumokonsumo ng average na 200 kWh kada buwan.

"This is the fifth consecutive power rate hike since March and it is expected to translate to an increase of around P19 in the total bill of residential customers consuming 200 kWh," ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Martes.

"This is another burden to consumers who are now under [ECQ] locked up in their homes and have no means of livelihood."

Ipinapa-waive nina Zarate ang naturang dagdag sa singil ng kuryente lalo na't hindi raw sasapat ang P1,000 lockdown ayuda kada tao (P4,000 kada kabahayan) na ibibigay ng gobyerno para mapunan kahit ang pangangailangan para sa poagkain at iba pang mga gastusin. 

Bunsod nito, dadagdag lang daw ito bilang pasanin sa mga konsumer na kailangang salagin ang mga nakaambang power rate hike. Kahit na may mga lockdowns nitong 2020, kinaya pa rin naman daw ng Meralco kumita ng hanggang P21.71 bilyon sa electricity sales.

"Besides waiving the power rate hike will not mean the closure or bankruptcy of the distribution company but it will be of great help to consumers hard hit by the pandemic. Sana naman ay isipin ng Meralco ang mga consumers at tulungan sila ng direkta sa pamamagitan nito," dagdag ng Bayan Muna solon.

Mangyayari ang nasabing rate hike kahit na nagbunsod ng 15-year high sa unemployment ang mga lockdowns noong nakaraang taon. Hindi kasi pinapayagang mag-operate ang maraming negosyo at establisyamento habang nagpapatupad ng ECQ dahil sa banta ng hawaan ng COVID-19.

'Rate hike mas mataas pa dapat'

Una nang sinabi ng Meralco na mas mataas pa nga raw dapat ang adjustment na kanilang gagawin, ngunit nagpapatupad daw ngayon ng P13.9 bilyong "distribution rate true-up" refund simula Marso na gugulong nang 24 buwan.

"This month’s rate is still lower than the pre-pandemic rate—when it settled at P9.5674 in August 2019 and P10.2190 in August 2018—proof that the series of competitive biddings by MERALCO resulted in lower electricity charges," ayon sa Meralco kahapon.

Paliwanag pa nila, lumaki ng P0.7323 per kWh ang transmission charges para sa mga residential customers dahil sa mas mataas na "ancillary service charges" na binayaran ng Meralco sa National Grid Corporation of the Philippines.

Pumalo din daw sa P0.0615 per kWh ngayong buwan ang generatioon charge, kasabay ng pagtaas ng transmission charges. Sa kabila ng pagtataas ng mga singil, sinuspindi muna ng Meralco ang pagpuputol ng linya ng kuryente para na rin daw mapagaan ang pasanin ng mga nakatira sa ECQ at modified ECQ areas.

KMU: Cusi mag-resign na lang kung rate hike tuloy

Nananawagan naman ngayon ang worker's group na Kilusang Mayo Uno (KMU) ng price control at pagde-defer ng mga bayad kaugnay ng paparating na big-time power rate hike, bagay na hindi raw dapat ipasa sa mga konsumer dahil batayang pangangailangan ng kury6ente.

Ang masakit pa nga raw, sisipa sa "dagdag na P341" ang magiging bigta nito para sa mga bahay na kumokonsumo ng 500 kWh.

"Napakabilis tumaas ng presyo ng mga bilihin laluna ngayong nasa krisis ang malaking bahagi ng mundo. Kung matino ang gobyerno at nakikinig sa mamamayan, alam nilang dapat kontrolin ang presyo ng kuryente. At dapat magbigay ng ayuda para makaagapay sa gastusin ang mga karaniwang tao," ani KMU secretary general Jerome Adonis.

"Nagkakandakuba na ang mga kababayan natin sa paghahanap ng pambayad ng kuryente. Kailangan ‘yan sa trabaho at sa online class ng mga kabataan. Mahiya man lang sana itong si [Energy Secretary Alfonso Cusi], gumawa ng hakbang. Kung walang gagawin, magresign na siya at mag-campaign manager na lang siya sa PDP-Laban, dun naman siya abala."

Dagdag pa nila, hindi nakabuti ang pagsasapribado at deregulasyon ng basic utilities lalona't hindi naman daw naging mas efficient ang pamamahala gamit nito.

Bukod sa KMU, suportado rin ng Sandosenang Panawagan para sa Kalusugan, Kabuhayan at Karapatan ang panawagang price control at deferment ng naturang payment sa utilities. 

"Palpak ang gobyerno na kontrolin ang pagtaas ng presyo ng kuryente. Paulit-ulit na lang na sinasabing nakabatay sa presyo ng langis, pero sa tunay na buhay, dahil ito sa pagtanggi nila na patawan ng regulasyon ang malalaking korporasyon na nagpapatakbo sa utilidad na ito," pagtatapos ni Adonis.

BAYAN MUNA PARTY-LIST

KILUSANG MAYO UNO

MERALCO

NOVEL CORONAVIRUS

POWER RATE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with