Panukalang paglahok ng publiko sa pagba-budget, pasado na sa Kamara

Sa botong 200 laban sa anim na hindi pumabor at wala isa mang umiwas, inaprubahan ng mga mi­yembro ng Kamara de Representantes sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 7407 na kilala bilang “An Act Institutiona­lizing The Participation of Civil Society Organizations (CSOs) in the Preparation and Authorization Process of the Annual National Budget, Providing E5ective Mechanisms Therefor, and for Other Purposes.”
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magpapahintulot sa paglahok ng publiko sa pagtakalay sa taunang budget ng Kongreso at iba pang tanggapan ng pamahalaan upang ma­ging bukas ito sa paningin ng publiko, pati na ang mga kalahok at kanilang pananagutan.

Sa botong 200 laban sa anim na hindi pumabor at wala isa mang umiwas, inaprubahan ng mga mi­yembro ng Kamara de Representantes sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 7407 na kilala bilang “An Act Institutiona­lizing The Participation of Civil Society Organizations (CSOs) in the Preparation and Authorization Process of the Annual National Budget, Providing E5ective Mechanisms Therefor, and for Other Purposes.” Nagpahayag naman ng kagalakan si Rep. Florida “Rida” Robes na siyang may akda ng panukalang batas at sinabing mahalaga ang magiging papel nito sa gagawing pagtalakay sa General Appropriations bill sa Kongreso, pati na sa paghahanda ng badyet ng iba pang tanggapan ng pamahalaan, lalo na’t mabibigyan ng oportunidad ang publiko na impluwensiyahan ang opisyal ng pamahalaan kung paano dapat gugulin at sino ang bibigyan ng kaukulang badyet.

“I am hopeful that the counterpart bill in Senate will get passed soon because it is the aim of the present administration to ensure transparency and accountability in the crafting of the annual budget,” pahayag ni Robes. Ang Committee on People’s Participation na pinamumunuan ng Robes ang nagsagawa ng pagtakalay at pag-apruba sa naturang panukalang batas bago ito dinala sa plenaryo. Sa ilalim ng naturang panukala, pagkakalooban ng pagkakataon na ma­bigyang akreditasyon ang civil society orga­nizations na nagnanais lumahok sa paghahanda ng badyet at pagtalakay dito.

Sa oras na mabigyang akreditasyon, may kara­patan na silang lumahok sa paghahanda ng badyet ng mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong pag-aari at kontroladong pamahalaan at iba pang tanggapang binuo sa ilalim ng Saligang Batas, tulad ng ipinagkaloob na karapatan sa mga NGOs ng local development councils.

Show comments