Go-Duterte inendorso ng PDP-Laban
MANILA, Philippines — Inaasahan na ang matinding labanan sa kandidato sa pagka-pangulo at bise presidente sa nalalapit na May 2022 national elections.
Ito’y matapos ianunsyo ng paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi na si Senador Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte ang standard bearers ng kanilang partido.
“The Go-Duterte tandem joining the fray of presidential-vice presidential derby is a welcome development,” pahayag ni Magdalo partylist Rep. Manuel Cabochan.
Sinabi nito na nag-anunsyo na rin ang kampo nina Davao City Mayor Sara Duterte, dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa intensiyon ng mga itong sumabak sa presidential at vice presidential race.
Hindi pa kasali ang desisyon ni Vice President Leni Robredo at dating Senador Antonio Trillanes IV na sumabak sa pagtakbo sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno.
Anya, kung ang pagbabasehan ay ang resulta ng survey ay ang Duterte–Duterte tandem o mag-amang Sara-Digong ang may posibilidad na magwagi sa halalan.
Gayunman, sinabi ni Cabochan na ‘mind conditioning‘ lamang ang survey at marami pa ang puwedeng magbago.
Noong 2016 national elections anya ay kulelat sa surveys si Duterte at maging si Robredo pero pagdating ng mismong halalan ay ang mga ito ang nanalo.
- Latest