MANILA, Philippines — Hindi lang basta paglabas ng bahay at kabuhayan ang apektado sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang mga probinsya ngayong araw — pati pagtulong sa kapwa, sabi ng ilang grupo.
Ito'y matapos ilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong guidelines ng ECQ kung saan dapat "otorisado" ang mga magsasagawa ng pagkakawang-gawa, sa panahong milyun-milyon ang tiyak na mawawalan ng trabaho:
Related Stories
"[G]atherings that are essential for the provision of health services, government services, or humanitarian activities authorized by the appropriate government agency or instrumentality shall be allowed."
"It is cruel and inhumane for [Philippine National Police] to ban humanitarian work especially when the people need every assistance they can get in this difficult time and when government support is sorely lacking or inadequate," ani Liza Maza, spokesperson ng Council for People's Development & Governance, Biyernes.
Matatandaang tanging P1,000 kada taong ayuda lang ang ibibigay ang gobyerno para sa mga Metro Manila residents atbp. na maaapektuhan ng ECQ mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto.
Hindi pahihintulutan ang paglabas ng bahay ng mga non-authorized persons outside of residence (non-APORs) sa buong duration ng ECQ, maliban pa sa maraming establisyamento ang pagbabawalang mag-operate — bagay na nagtulak noon sa record-high unemployment rates sa Pilipinas.
"The Duterte government’s hesitancy to give insufficienct and inadequate ayuda for affected Filipinos of the ECQ lockdown and its unpreparedness in effectively and scientifically responding to the pandemic, make it a necessity for community pantries and similar humanitarian efforts," ayon naman kay Christian Lloyd Magsoy, spokesperson ng Defend Jobs Philippines kanina.
"Prohibiting and discouraging citizens to help each other especially during the pandemic and lockdowns will never be acceptable, as this will only intensify our poor Filipino’s hardships and brunt of the strict community quarantine protocols being arbitrarily imposed against them."
Matatandaang isa ang community pantry sa mga ideyang nabuo nitong pandemya matapos itong simulan ni Ana Patricia Non sa Maginhawa street, Quezon City. Namimigat sila ng libreng pagkain at supplies habang laganap ang kawalang-trabaho at gutom sa gitna ng mga lockdowns.
Sa kabila nito, ilang beses na silang na-redtag at iniugnay ng gobyerno sa mga komunista at New People's Army, kahit walang batayan.
'Flag Brigade PH'
Sa sinimulang "Flag Brigade" ngayong araw ng Defend Jobs Philippines, nananawagan ang grupo na magtaas ng pulang bandila sa tapat ng bahay ang mga nangangailangan ng tulong, habang pwedeng magtaas ng "green flags" ang mga kayang magbigay ng donasyon.
"Unlike the government’s discouragement for bayanihan spirit to grow and spread during the pandemic, the Flag Brigade PH campaign aims to concretize how people in their respective communities can ask and give support to each other, especially in time of quarantine lockdowns and restricted movements," patuloy ni Magsoy.
Ang Flag Brigade PH ay kumukuha ng inspirasyon mula sa "White Flag Movement" mula sa Malaysia kung saan nagsasabit ng puting tela sa labas ng bahay ang mga nangangailangan ng ayuda habang pandemya.
'Community pantries' pwede pero...
Hindi naman pinagbabawalan ang community pantries sa kabuuan, pero hindi ito pwedeng itayo "kung hindi makikipagtulungan sa local government units," paglilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority at Malacañang.
"Kinakailangan makipag-ugnayan po lahat ng mga humanitarian agencies pati mga community pantries sa LGUs. Kasi ang anyo po ng ECQ, lahat dapat homeliners, except kung bibili," ani presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes.
"Naiintindihan natin na importante ang humanitarian relief para sa mga wala talagang pambili ng pagkain, but they have to coordinate with the LGUs. Papayagan po siguro 'yan kung papayagan ng LGU. LGU ang magde-designate kung saan [ang pwesto] at LGU ang magpapatupad ng health protocols kung sila po ay papayagan."