Hoarding ng oxygen, medical supplies iimbestigahan - Eleazar

Sinabi ni PNP Chief PGen. Guil­lermo Eleazar na hindi dapat na mangyari ang hoarding ng anumang medical supply at oxygen dahil ito ang kailangan ng mga pasyente na tinamaan ng CoViD-19.

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na  ni PNP Chief PGen. Guil­lermo Eleazar sa Cebu City Police Office at Regional Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG) ang hoarding ng oxygen tanks at medical supplies sa Cebu.

Ayon kay Eleazar, humingi ng tulong sa PNP at DTI si Cebu City Vice Mayor Michael Rama kaugnay ng isyu ga­yong may pandemya ang bansa.

Sinabi ni Eleazar na hindi dapat na mangyari ang hoarding ng anumang medical supply at oxygen dahil ito ang kailangan ng mga pasyente na tinamaan ng CoViD-19.

Inatasan ni Eleazar ang mga concerned Police Units na makipag-coordinate sa DTI para mapigilan ang pag-iimbak ng mahahalagang medical supplies.

Pinasisilip din ni Eleazar kung may hoarding din na nagaganap sa NCR ng mga oxygen tanks at medical supplies.

Show comments