Gatchalian nais maging VP ni Sara Duterte sa 2022; Sotto kakausapin pa
MANILA, Philippines — Pinupuntirya ngayon ng isang senador ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ng Pilipinas, kahit na una nang nagparamdam ng kagustuhang tumakbo sa parehong pwesto ang kanyang kapartido.
Ito nga ang mismong inamin ni Sen. Sherwin Gatchalian sa panayam ng ANC "Headstart" ngayong umaga, habang idinidiing nais niyang makatambal sa panguluhan si ang anak ng presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte.
"I talked to Mayor Sara a few months back. And we talked about my plans," wika niya nang tanungin kung sino ang nais niyang maging presidential running mate, Miyerkules.
"I'm vying for the vice president position, but this is still very fluid."
Tikom pa rin naman at hindi nagkukumpirma ng plano si Sara, na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung tatakbo talagang presidente sa susunod na taon.
Inilabas ni Gatchalian ang kanyang plano kahit may ugong-ugong na maging magiging bise ni Sara ang kanyang tatay.
Hunyo lang nang sabihin ni Sen. Panfilo Lacson na tatakbo siya sa pagkapangulo kung magiging bise presidente niya si Senate President Vicente "Tito" Sotto III.
Sina Sotto at Gatchalian ay parehong miyembro ng partidong Nationalist People's Coalition (NPC). Nang tanungin kung handa siyang umalis ng NPC kung sakalaing igiit ni Sotto ang pagtakbong bise, ito na lamang ang naging sagot ni Gatchalian: "We will talk about it... for now.... I do not have any definite answer for now because it's still quite fluid."
"I'm still talking to Sen. Sotto about arrangements."
Bakit niya gusto mag-VP?
Kasalukuyang naglilingkod bilang senador si Gatchalian, ngunit nagkaroon na rin ng karanasan sa panunungkulan sa ehekutibo nang mahalal noong alkalde ng Valenzuela.
"I've been both the executive side and also the legislative side, and I've learned so many things from both sides," paliwanag niya pa niya.
Aniya, siyam na taon na siyang mambabatas at ramdam niyang mas makaaambag siya sa ehekutibo oras na makabalik dito.
Wala pa namang public statement ang kampo ni Sotto patungkol sa plano ni Gatchalian sa ngayon.
Sa kabila nito, una nang inamin ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo, na usap-usapang tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon, na nakikipag-usap sila kina Lacson, Sotto at Sen. Richard Gordon para "lumikha ng malawak na alyansang naghahandap ng pagbabago sa 2022."
- Latest