MANILA, Philippines — Matapos umanong makitaan ng ‘probable cause’ ay inirekomendang kasuhan ng paglabag sa anti-graft law ang gobernador ng lalawigan ng Nueva Vizcaya at 16 iba pa.
Ang reklamo ay bunsod umano ng hindi natapos na proyekto na flagship project ng gobyerno na pinondohan ng P149 milyon.
Inendorso sa Office of the Ombudsman ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang reklamong paglabag ng Section 3 ng Republic Act ( RA) 3019 o Anti- Graft and Corrupt Practices Act, Sec. 65 ng RA No. 9184 o Government Procurement Reform Act ang gobernador.
Kabilang sa mga proyektong sinasabing hindi natapos ay ang Nueva Vizcaya Convention Center, Improvement at Expansion ng Provincial Capitol Building Phase 1 and 2 , at Confence Hall sa Lower Magat Eco-Tourism Park sa Diadi, Nueva Vizcaya
Mula sa pinagsamang investigation ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation - Special Action Unit ( NBI- SAU ) pinasasampahan ng kapareho ring kasong kriminal ang iba pang opisyal at dating opisyal sa Nueva Vizcaya.
Nauna na ring inirekomenda ni PACC Commissioner Atty. Danilo D.C. Yang na ilagay sa preventive suspension ang mga respondent na si Governor Carlos Padilla at 16 na iba pa upang maiwasan na maipluwensyahan ang imbestigasyon, takutin ang potential witness at ang tampering ng records o mga dokumento.