^

Bansa

Hi-tech kulungan sa Pinas isinulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hi-tech kulungan sa Pinas isinulong sa Kamara
Ayon kay Gonzales na isang beteranong mambabatas, na mahalagang mapabuti ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo sa buong bansa.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Upang masolusyunan ang napakasikip na mga bilangguan at pigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus partikular na ang Delta variant, isinulong ni House Deputy Speaker Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II ang pagbibigay ng pondo para sa konstruksyon ng modernong kulungan sa bansa.

Ayon kay Gonzales na isang beteranong mambabatas, na mahalagang mapabuti ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo sa buong bansa.

“Last Tuesday, July 27, together with local officials and the Bureau of Jail Management and Penology, we witnessed the inaugural blessing of the first fully automated, modern and state-of-the-art eight-story city jail in Mandaluyong. We hope that more of these facilities will be funded under the next year’s national budget,” ayon kay Gonzales.

Nagkakahalaga ng P515-milyon ang bagong city jail na isinulong ni dating Mandaluyong City Rep. Queenie Gonzales noong 2018 at itinuloy ng kanyang mister na si Deputy Speaker Boyet Gonzales.

Ang nasabing modernong bilangguan ay energy-efficient, mayroong “sunning area” sa roof deck, basketball court at state-of-the-art kitchen at laundry.

Ayon sa solon, ang nasabing pasilidad ay solusyon sa matagal ng problema ng pagsisikip ng mga bilangguan sa Mandaluyong dahil ang lumang BJMP building dito ay may kapasidad lang na 170 PDLs pero ang nakabilanggo ay mahigit sa 700.

Pinangunahan ni Public Works Sec. Mark Villar ang inagurasyon kasama si Gonzales bilang parte ng Build, Build, Build program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

COVID-19 VARIANT

KAMARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with