Maaari nang magtayo ng cell site ang Globe sa Brgy. Plainview, Mandaluyong City.
Ayon kay Mandaluyong Councilor Roehl B. Bacar, hindi na kailangang kumuha ng Building Permit, Fire Safety Evaluation Clearance, Barangay Clearance, o Locational Clearance sa aplikasyon para sa konstruksiyon ng telecommunications tower infrastructure.
Anang konsehal, nakasaad ito sa ilalim ng isang Joint Memorandum Circular (JMC), Sangguniang Panlungsod resolution at Sangguniang Brgy. Resolution na iginiit sa isang Mandaluyong City resolution.
“Our office has always been supportive of and has put a premium on all forms of development in information and communications technology (“ICT”). We have always believed that ICT developments play a crucial role in the growth of the City and the country especially during this trying and difficult times of the pandemic. Thus, we remain committed to all forms of ICT development provided that the same is compliant with our laws,” nakasaad sa naturang Barangay Resolution.
Mismong si Presidente Rodrigo Duterte ang nagreklamo hinggil sa mabagal na transaksiyon at red tape sa gobyerno na nagdudulot ng ‘inconvenience’ sa mga aplikante na naghihintay nang matagal para makakuha ng permit at iba pang dokumento mula sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Nagbigay pa si Duterte ng ultimatum para tapusin ang lahat ng paperwork sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa mid-December.
“I do not want papers to be acted by days. I want it by hours,” aniya.