DMWOF ni Bong Go pinabibilisan ni Pangulong Duterte

MANILA, Philippines — Idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan o panganga­ilangang maitatag sa lalong madaling panahon ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos (DMWOF) ang panukalang batas na isinulong sa Senado ni Senator Christopher “Bong” Go para na rin sa kapakanan ng milyong overseas Filipinos na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang huling­ State of the Nation Address, binanggit ng Pa­ngulo na dahil sa pandaigdigang krisis na hatid ng COVID-19, maraming nababalisang Filipino sa ibayong dagat ang humi­hiling ng suporta ng gobyerno habang may ilang nais o napipilitang mapauwi na lamang sa bansa matapos mawalan ng oportunidad at trabaho.

Ayon kay Duterte, dahil dito ay sadyang na­pakahalaga ng panukalang batas ni Senator Go na lilikha sa DMWOF.

Kinikilala ang sakri­pisyo ng mga Filipino sa abroad, lubos na nagpa­salamat si Go kay Pangulong Duterte sa palagian nitong pagsuporta sa ka­pakanan ng OFWs, at sa kani-kanilang pamilya, lalo ngayon na nahaharap sa matinding hamon ang buhay ng bawat isa.

Kung maisasabatas­, ang Senate Bill No. 2234, ay lilikha ng departamentong pangunahing may mandato na i-develop, irekomenda at iimplementa ang pambansang polisiya, mga plano, programa, at alituntunin na magpoprotekta sa kapakanan, interes at reresolba sa mga isyu ng OFWs.

Ang DMWOF ang siya ring magiging res­ponsable sa pagbibigay ng fundamental social at welfare services, kinabibilangan ng insurance, social work assistance, legal assistance sa overseas Filipinos.

Show comments