NPA matatapos sa 2022
MANILA, Philippines — Tiwala si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na matatapos na ang paghahari-harian ng New People’s Army (NPA) sa susunod na taon kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa rami ng mga nagsisuko.
Ayon kay Esperon, sinusunod nila ang utos ni Pangulong Duterte na tapusin ang kanilang misyon kaya puspusan ang kanilang operasyon kung saan maraming grupo ng komunista ang mabubuwag at susuko. Aniya, walang imposible kung sama-samang kikilos o ‘whole of nation approach’ ang gagamiting sistema.
Kaya naman pinagtuunan ng NTF-ELCAC at ginawang pangunahing programa ang Barangay Development Program (BDP) na magbibigay kaunlaran sa mga lugar na dati nang pinamugaran ng CPP-NPA-NDF.
Sa BDP, ang bawat barangay na naitaboy na ang mga komunistang-te-rorista ay nakatatanggap ng P20 milyong pondo sa pagpapagawa ng isang kilometrong farm-to-market road na may halagang P12M, P3M para sa silid paaralan, P2M para sa malinis na tubig at sanitasyon, P1.5M sa health station at P1.5M sa livelihood.
- Latest