^

Bansa

Duterte inilatag ang mga nagawa ng administrasyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte inilatag ang mga nagawa ng administrasyon
Sinabi rin ni Duterte na mabibilang lamang sa daliri ang mga ipina­ngako niya noong siya ay kumandidatong presidente na kinabibilangan ng libreng edukasyon, Universal Health Care, paglaban sa kriminalidad, ilegal na droga, at korupsiyon at iba’t ibang imprastruktura.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inilatag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagawa ng kanyang admi­nistrasyon sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Sa simula ng kanyang talumpati, inalala ng Pangulo ang mga maging pangarap niya para sa mga Filipino na sa tingin niya ay kayang makakamit sa pamamagitan ng pagbabago sa mga institusyon.

Sinabi rin ni Duterte na mabibilang lamang sa daliri ang mga ipina­ngako niya noong siya ay kumandidatong presidente na kinabibilangan ng libreng edukasyon, Universal Health Care, paglaban sa kriminalidad, ilegal na droga, at korupsiyon at iba’t ibang imprastruktura.

Ayon kay Duterte na­gawa niya ang mga nabanggit niyang pa­ngako sa kampanya.

Sinabi ni Duterte na inuna niyang palakasin ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police noong maupo siya sa Malacañang dahil laganap ang insureksiyon, ilegal na droga at kriminalidad.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Duterte ang Kongreso dahil nakipagtulungan sa executive department para sa pagpapalakas ng AFP at PNP.

Samantala, ipinagmalaki ni Duterte ang mga tax reform program na bumuhay sa ekonomiya mula 2016 hanggang 2019 kung saan naging isa ang Pilipinas sa “fasting-growing” economies sa Asia bago mag pandemya. Gayundin ang naipasang Rice Tariffication Law noon 2019 na naging daan aniya para matiyak ang pagkain ng bawat Filipino.

Sinabi rin ng Pa­ngulo na natupad niya ang pangako na aayusin ang libreng irigasyon at sapat na suplay ng malinis at murang tubig na kinakailangan ng mga mamamayan.

Related video:

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with