^

Bansa

17 pang Delta variant naitala - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
17 pang Delta variant naitala - DOH
Ito ay batay sa genome sequencing report na inilabas ng Department of Health (DOH), University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Phi­lippines - National Institutes of Health (UP-NIH) nitong Sabado.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa ang bansa ng 17 bagong kaso ng mas nakahahawang Delta variant (B.1.617.2) ng COVID-19 sa bansa, sanhi upang umakyat na ang kabuuang bilang sa 64 mula sa 47 lamang.

Ito ay batay sa genome sequencing report na inilabas ng Department of Health (DOH), University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC) at  University of the Phi­lippines - National Institutes of Health (UP-NIH) nitong Sabado.

Sa karagdagang 17 Delta variant cases, 12 ang local cases at isa ang returning overseas Filipino (ROF). Kinukumpirma pa kung ang apat na iba pang kaso ay local cases o ROFs.

Sa 12 lokal na kaso, siyam ang may address sa National Capital Region (NCR) at tatlo sa Calabarzon.

Tatlo sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso pa o nagpapaga­ling habang ang 14 ay nakarekober na.

Samantala, bukod sa bagong kaso ng Delta, iniulat din ng DOH na nakapagtala sila ng 11 kaso pa ng Alpha va­riants (B.1.1.7), 13 Beta (B.1.351) at dalawang P.3 variant.

Sa 11 Alpha, 10 ang local case habang bini­beripika pa kung lokal o ROF case ang isa pa. Nasa 1,679 na ang kabuuang kaso ng Alpha variant.

Sa 13 bagong Beta variant, 10 ang lokal at 3 ang bineberipika kung lokal o ROF. Isa sa mga ito ang active case pa rin, dalawa ang nasawi at 10 ang nakarekober. Sa kabuuan, may 1,840 Beta variants na sa bansa.

Sa dalawang P.3 va­riants naman, na kapwa nakarekober na, isa ang local case habang hindi pa batid kung local case o ROF ang isa pa.

Kaugnay nito, iniulat na rin ng DOH na ang mga samples mula sa mga seafarers ng M/V Tug Clyde at Barge Claudia ay isinama na sa susunod na batch nang isasagawang whole genome sequencing.

KINUMPIRMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with