^

Bansa

NCR nalubog sa baha dahil sa habagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
NCR nalubog sa baha dahil sa habagat
Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal, dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River ay nasa 3,030 pamilya o 13,000 katao ang inilikas at kinakanlong sa 27 evacuation centers sa lungsod.
Edd Gumban

‘Fabian’ nakalabas na ng PAR

MANILA, Philippines — Patuloy na nakakaranas ng malalakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila dulot ng bagyong Fabian at epekto ng habagat na nagpalikas sa libu-libong katao dahil sa mga pagbaha.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal, dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River ay nasa 3,030 pamilya o 13,000 katao ang inilikas at kinakanlong sa 27 evacuation centers sa lungsod.

Nasa 23 pamilya naman ang inilikas sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Higit 200 pamilya ang natulungang mailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa mga binahang barangay sa 3 bayan sa Cavite.

Sa Occidental at Oriental Mindoro ay 7,025 katao ang inilikas.

Naitala ang landslide sa Sablayan, Occidental Mindoro na walang naitalang nasugatan at nasawi.

Sa Masantol, Pampanga, 12 barangay ang binaha, sa Bulacan ay 36 barangay mula sa mga bayan ng Paombong, Hagonoy, Guiguinto, Balagtas at Marilao.

Patuloy namang nakaalerto ang search and rescue team dahil sa masamang lagay ng panahon habang namahagi na rin ng relief goods sa mga evacuation centers.

Kahapon ay lumabas na sa Philippine area of res­ponsibility (PAR) ang bagyong Fabian pero patuloy pa ring makakaranas ng mga pag-ulan sa Luzon at bahagi ng Western Visayas dahil sa epekto ng habagat.— Angie dela Cruz

PAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with