^

Bansa

Delta variant 'local transmission' ng COVID-19 kinumpirma ng DOH

Philstar.com
Delta variant 'local transmission' ng COVID-19 kinumpirma ng DOH
Children enjoy playing at the Bernardo Park in Quezon City on July 10, 2021. Kids five years old and above are now allowed outdoors in areas under general community quarantine and modified general community quarantine after the Inter-Agency Task Force approved the proposal.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng "local transmission" ng mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus diease (COVID-19).

Tumutukoy ang local transmission sa hawaan ng COVID-19 sa loob ng bansa kung saan mapag-uugnay-ugnay na ang iba't ibang clusters nito sa isa't isa. Sumatutal 47 na ito sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng DOH na kayang makahawa ng Delta variant (B.1.617.2) hanggang walong katao "in one sitting" ng COVID-19, bagay na mas nakahahawa sa iba pang variants of concern. Sinasabi ring "mas agresibo at nakamamatay" ito kumpara sa karaniwan.

"Following the phylogenetic analysis conducted by the University of the Philippines - Philippine Genome Center, and case investigation by the DOH Epidemiology Bureau and the regional and local epidemiology and surveillance units, clusters of Delta variant cases were seen to be linked to other local cases, therefore, exhibiting local transmission," ayon sa DOH, Huwebes ng gabi.

"Upon detection of local cases with the Delta variant, the DOH explained that the government has initiated enhanced COVID-19 response in areas where Delta variant cases were detected through the implementation of the four-door strategy."

Kasalukuyang nagpapatupad ng pinakamahigpit na lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) ngayon sa Iloilo, Iloilo City, Gingoog at Cagayan de Oro sa gitna ng banta ng naturang Delta variant.

Una nang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaang walang "cash assistance" ang mga lugar na nagpapatupad ng ECQ kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Kamakailan lang nang sabihin ng Palasyo na maaaring patawan din ng travel ban ang Malaysia at iba pang mga karatig na bansa kung lalala ang hawaan ng Delta variant doon.

"Moreover, the public is advised to avoid unnecessary travels and gatherings. DOH urges LGUs to shorten the duration of case detection to isolation and immediately isolate symptomatic patients, and ramp up their vaccination and prioritize the senior citizens and people with underlying conditions," dagdag pa nila.

Sa huling ulat ng pamahalaan, umabot na sa 1.53 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 26,891 na ang patay— James Relativo

DELTA VARIANT

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with