Signal no. 1 itinaas sa Batanes, Babuyan Islands dahil sa Typhoon Fabian

Satellite image ng Typhoon Fabian 525 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes, Huwebes.
earth.nullschool.net

MANILA, Philippines — Kasalukuyang kumikilos nang mabagal ang bagyong "Fabian" sa direksyong pa-kanluran timogkanluran habang napapanatili ang lakas nito, ayon sa state weather bureau ngayong araw.

Sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo 525 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes bandang 10 a.m., Huwebes.

  • Lakas ng hangin: 150 kilometro malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: aabot ng hanggang 185 kilometro kada oras
  • Pagkilos: kanluran timogkanluran (mabagal)

Kasalukuyan naman isinailalim ang mga sumusunod na lugar sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1:

  • Batanes
  • Babuyan Islands

Dahil diyan, maaasahan ang malalakas na hangin sa mga nabanggit na lugar sa susunod na 36 oras.

"Strong winds (strong breeze to near gale conditions) will be experienced over Batanes and Babuyan Islands throughout the passage the typhoon. Occasional gusty conditions will prevail over the rest of Luzon especially in coastal and mountainous areas due to Southwest Monsoon," dagdag pa ng PAGASA.

"'FABIAN'" is forecast to further intensify and reach its peak intensity (155-165 km/h) tonight."

Dahil diyan, delikado pa rin ang paglalayag para sa maliliit na sasakyang pandagat sa mga naturang katubugan. Tinatayang lalabas sa Philippine area of responsibility ang Typhoon Fabian Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

Malalakas na pag-ulan dahil sa bagyo, Habagat

Kasalukuyang pinalalakas ngayon ng bagyong "Fabian" ang Hanging Habagat. Dahil diyan, makakatikim ng monsoon rains sa sumusunod na lugar sa susunod na 24 oras:

  • Ilocos Region
  • Abra
  • Benguet
  • Zambales
  • Bataan
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Cavite
  • Batangas
  • southern Quezon
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • Marinduque
  • Romblon
  • hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian at Kalayaan Islands

"In the next 24 hours, under the influence of the enhanced Southwest Monsoon and Typhoon 'FABIAN,' rough to very rough seas will be experienced over the northern, western, and eastern seaboards of Luzon (including the areas under TCWS #1)," dagdag pa ng PAGASA.

Maraming bahagi ngayon ng bansa ang binabaha kaugnay ng matinding pag-ulan, dahilan para maging "unpassable" ang ilang kalsada sa Kamaynilaan. — James Relativo

Show comments