^

Bansa

Palasyo kinontra adviser ni Duterte: Anti-endo bill 'prayoridad pa rin maipasa'

James Relativo - Philstar.com
Palasyo kinontra adviser ni Duterte: Anti-endo bill 'prayoridad pa rin maipasa'
Protesta ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno at mga manggagawa sa tapat ng Palasyo kaugnay ng pagpapasa ng anti-endo bill, ika-19 ng Hulyo, 2021
Released/Kilusang Mayo Uno

MANILA, Philippines — Matapos itanggi ng adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na "wala muna sa prayoridad" ng gobyerno ang pagtatapos ng kontraktwasasyon, binawi ito ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong araw.

"When I last talked to [Labor Secretary Silvestre] Bello, and this was I think last week in Cagayan, he reiterated that the anti-endo bill continues to be an administration bill and it has also been certified as urgent by the president," ani Roque sa isang press briefing, Lunes.

Sinertpikang urgent ni Pangulong Duterte ang "anti-endo bill" noong 2018 ngunit vineto o binasura niya rin ang panukalang batas noong 2019.

"But we leave it to Congress because unfortunately, no amount of certification can lead to an enactment of the law if the wisdom of Congress is otherwise," ayon sa Palasyo.

Tumutukoy ang "endo" sa "end of contract" ng isang manggagawa o empleyado bago pa man makatikim ng regularisasyon sa trabaho at iba't ibang benepisyo.

Kasalukuyang nasa listahan ng "priority legislative measures" ang Security of Tenure Bill (End of Endo/Contractualization) kung titignan ang website ng Presidential Legislative Liason Office.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung mababanggit ito bilang priority legislation sa darating na State of the Nation Address sa Lunes.

"[W]e continue to appeal to Congress to pass this anti-endo law as the term of the president ends," dagdag ng tagapagsalita ni Digong kanina.

Ano ba talaga? Prayoridad o hindi?

Ika-8 ng Hulyo nang sabihin ni Presidential Adviser for Political Affairs Jacinto Paras, sa Palace briefing din ni Roque, na wala sa prayoridad ni Digong ang pagtatapos sa mapagsamantalang kontraktwalisasyon — kahit kasama 'yon sa campaign promises niya noong 2016.

"When the president vetoed it, all the sectors have not been voicing out their opinions on this, even the Department of Labor... So, medyo hindi naging priority ito ngayon" ani Paras.

Una nang sinabi ni Bello na naniniwala siyang maaaprubahan ito ng presidente bago magtapos ang kanyang termino sa 2022.

'Prayoridad' pero vineto ni Duterte noong 2019

Kahit na ipinangangalandakan ni Roque na prayoridad pa rin ni Digong ang pagtatapos ng "endo," iba ang sinasabi ng mga aksyon niya noong 2019.

Matatandaang pirma na lang ni Duterte ang kulang sa Security of Tenure and End of Endo Act of 2018, pero vineto niya ito kung kaya't hindi ito tuluyang naging batas.

"Sobra-sobra ang pagpapalawig ng panukala sa pakahulugan ng pinagbabawalang labor-only contracting, na sa huli at nagbabawal ng mga kontraktwalisasyon na maaaring hindi naman ikakaargabyado ng mga empleyado," sabi ni Duterte sa kanyang veto message sa wikang Ingles.

"Dapat hayaan ang mga negosyong itakda kung kukuha sila ng manggagawa mula sa ibang lugar para sa ilang aktibidad, lalo na kung magreresulta ito sa mas episyenteng operasyon at ekonomiya, nang hindi nakaaargabyado sa trabahante, kahit na may kaugnayan ito sa kanilang negosyo."

'Endo ka na, Duterte!'

Kanina lang nang mag-protesta ang mga manggagawa sa tarangkahan ng Palasyo dahil sa patuloy nitong pagkakabinbin sa Konggreso, kahit na nasa 3.7 milyon ngayon ang unemployed sa gitna ng COVID-19 pandemic, maliban sa pagbaba ng sahod ng nasa 131,000 manggagawa.

"ENDO ka na, Duterte! Ilang warning na ang ibinigay namin sa’yo pero ni isang senyales ng pagtitino at pagseseryoso sa pangako, wala kaming nakita. Bigong pangako ang inilatag mo sa manggagawa," ani Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis kanina.

"Sabi ni Jing Paras, hindi na priority ang pagwawakas ng kontraktwalisasyon. Sabi naman ngayon ni Harry Roque, priority pa rin ito. Ano ba talaga?"

Ayon sa 2019 data ng IBON Foundation, nasa 8.5 milyong manggagawa ang kontraktwal sa mga private enterprises, habang nag-eempleyo naman ng 800,000 ang gobyerno sa iba't ibang flexible work arrangements.

CONTRACTUALIZATION

HARRY ROQUE

KILUSANG MAYO UNO

LABOR RIGHTS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with