Duterte ikinakasa na ang senatorial line up
MANILA, Philippines — Sinisimulan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga posibleng kasama sa senatorial candidate na kanyang i-endorso para sa 2022 national elections.
Sinabi ng isang mataas na opisyal ng PDP-Laban na ang posibleng mga kandidato na kasama sa listahan ay kinabibilangan ng ilang reelectionist na mga senador at iba pang dating mga senador, Cabinet officials at mga prominenteng personalidad.
Kabilang umano dito sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Cynthia Villar, dating senator Joseph Victor “JV” Ejercito, Deputy Speaker Loren Legarda at Information and Communications Secretary Gregorio “Gringo” Honasan.
Gayundin sina Public Works Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello III, Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Communications Secretary Martin Andanar, at Presidential Spokesman Harry Roque.
Kabilang din sa listahan ang mga kilalang personalidad na sina broadcaster Raffy Tulfo, TV host Willie Revillame at aktor na si Robin Padilla.
Samantala, sinabi naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na kabilang sa Nationalist People’s Coalition (NPC), na pinag- iisipan pa rin niya kung tatakbo o hindi bilang bise-presidente o muling tatakbong senador sa 2022.
- Latest