^

Bansa

4.2-M pamilya nagutom nitong 3 buwan, mas malala kaysa Nobyembre 2020 — survey

James Relativo - Philstar.com
4.2-M pamilya nagutom nitong 3 buwan, mas malala kaysa Nobyembre 2020 — survey
Makikitang kumakain sa bangketa ang bata ang babaeng ito katabi ng mga nakaparadang pedicab
The STAR, File

MANILA, Philippines — Imbis na kumonti ang gutom ngayong nagluluwag na ang gobyerno sa mga gawaing pang-ekonomiya, mas dumami pa ang porsyento ng gutom na Pilipino sa nakaraang tatlong buwan — sabi ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

"The national Social Weather Survey of April 28-May 2, 2021 found that 16.8% or an estimated 4.2 million families experienced involuntary hunger – hunger due to lack of food to eat – at least once in the past three months," ayon sa SWS, Lunes ng hapon.

Ang May 2021 Hunger rate ay 0.8 mas mataas sa naitalang 16% (4 milyong pamilya) noong Nobyembre 2020. Doble rin ang taas nito kumpara sa December 2019 level na 8.8% bago pumasok ang COVID-19 pandemic.

Sa kabila niyan, mas mababa ang May 2021 Hunger rate kumpara sa 2020 annual average na 21.1%.

Nangyayari ito ngayong wala nang ibinibigay na ayuda ang gobyerno sa mga residenteng lubhang naapektuhan ang kabuhayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mindanao pinakasalat sa makakain

Batay sa gutom, Mindanao ang nangunguna ngayon, ayon sa pag-aaral:

  • Mindanao (20.7%, o 1.2 milyong pamilya)
  • Visayas (16.3%, o 776,000 pamilya)
  • Balance Luzon (15.7%, o 1.8 milyong pamilya)
  • Metro Manila (14.3%, o 674,000 pamilya)

Nangyayari ito kahit na sa Mindanao mismo nakatira si Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang kilalang taga-Lungsod ng Davao.

Kapansin-pansin din sa pag-aaral na sumipa ang kagutuman pagdating sa mga taong naniniwalang sila'y mahirap.

"From November 2020 to May 2021, Overall Hunger (i.e., Moderate plus Severe) rose among the Self-Rated Poor, from 21.7% to 23.5%. It hardly changed among the Non-Poor (Not Poor plus Borderline Poor) over the same period, moving from 10.6% to 10.3%," dagdag ng SWS.

"Overall Hunger also rose among the Self-Rated Food-Poor, up from 28.1% in November 2020 to 32.9% in May 2021. It declined by 1.2 points among the Non-Food-Poor [Not Food-Poor plus Borderline Food-Poor], from 10.5% to 9.3%."

Ang first quarter 2021 SWS survey ay itinagawa gamit ang harapang panayam sa 1,200 katao (edad 18-anyos pataas) sa buong Pilipinas. Meron itong sampling error margine na ±3% para sa national percentages at ±6% para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Ang nasabing pag-aaral ay inisyatiba ng SWS at hindi commissioned ng mga pribadong indibidwal.

Nasaan kasi ang ayuda?

Sa panayam ng Philstar.com, sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary general Renato Reyes Jr. na sinasalamin ng survey ang kawalan ng ayuda para maibsan ang gutom ng mga naapektuhan ng pandemya.

"The latest SWS survey calls for swift action by Malacanang through emergency cash assistance to alleviate hunger. Nasaan ang ayuda? There were unused Bayanihan funds in a time when people were going hungry," ani Reyes ngayong Martes.

"There was a chance to pass Bayanihan 3 but Duterte did not certify it as urgent. We are deep in debt but funds are not being utilized for the needs of the people."

Hulyo lang nang banatan ng Bayan Muna ang pagpalo ng utang ng Pilipinas sa record-high na P11.07 trilyon sa pagtatapos ng Mayo, habang hindi mapagdesisyunang pondohan ng gobyerno ang P2,000 kada taong ayuda na nais sana ibigay ng Bayanihan 3.

"Paunti nang paunti ang nabibili sa kakarampot naming sahod dahil sa papataas na presyo ng bilihin. Mistulang ginto ang pagkain. Ang presyo ng langis at kuryente ay sumisirit. Pero ang sahod nakapako, at ang ayuda mailap pa rin. Di naman nalolockdown ang sikmura ng tao," tugon naman ni Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno sa hiwalay na pahayag kanina.

"Sa huling [State of the Nation Address] ni Duterte, kakalampagin siya ng mamamayan para sa ayudang sapat."

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

HUNGER

KILUSANG MAYO UNO

NOVEL CORONAVIRUS

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with