MANILA, Philippines — Para mabawasan ang pasanin ng mga taong naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano, agarang nagbigay ng tulong sa mga ito si Senator Cynthia A. Villar.
Namahagi ang senador ng relief packs sa mga biktima ng volcano disaster sa bayan ng Laurel at Agoncillo sa Batangas.
“Sa pagbibigay ng food packs sa mga biktima, nakatutulong tayo sa pamahalaan na pakainin ang ating mga kababayan partikular yaong nailikas na pamilya dahil sa volcanic activity,” ayon kay Villar.
“We also gave them alcohol as a way to protect themselves as we are facing a global health crisis,” dagdag pa niya.
Sa ganitong panahon, iginiit ng senador na kailangan ng mga Pilipino na pairalin ang tinatawag na “Bayanihan spirit.”
“Let us join forces and extend a helping hand to alleviate the plight of the people who were victims of the volcanic eruption.”